Click on the quote below to read the article...

Ang siping ito na nagmula sa British historyador at moralistang noong ika-19 Siglo, si John Acton, ay ang isa na kung saan ako’y naging interesado at aking dinala sa buong buhay ko. Bilang isang binata, aking nadama na ito ay masyadong mapang-uyam, at hindi nito pinahihintulutan ang kabutihan na nasa loob ng mga tao. Isang dahilan para sa aking pagtanggi sa sipi ay maaari na hindi ko napansin na ang mga salitang "may posibilidad na masira" ay naging parte ng sipi, kaya aking inakala na ito ay isang ganap na pahayag (tulad ng ipinahayag sa pamagat ng artikulong ito).

Gayunpaman, habang tumanda at namasid ko, hindi lamang ang iba, kundi pati na rin ang aking sarili, nakita ko na ang kasabihan, kahit sa mas matinding nitong anyo (iyon ay "Nasisira lahat ang kapangyarihan") ay wasto sa isang antas, at ito ay naaayon sa doktrina tungkol sa “bumagsak na likas ng katao”. Tayong mga tao ay may tendensiya na guluhin ang lahat nang walang gipit na panalangin at mapagpakumbabang pananalig sa Diyos.

Ang pinaka karaniwang paraan kung paano ito nangyayari (ayon sa aking karanasan) ay kapag gumawa tayo ng isang mabuting bagay, nagtatamo tayo ng pagkilala para dito, na nagsasalin bilang "awtoridad"... awtoridad, batay sa karanasan. Kung mas maraming kabutihan ang ating ginagawa, mas maraming awtoridad/kapangyarihan ang ating natatamo. At ang "awtoridad" na iyon ay madaling kunin bilang pahintulot upang hindi natin pansinin ang ating mga pagkakamali at tumuon sa mga pagkakamali ng iba. Hahayaan tayo ng mga tao na gawin iyon kung naging patas tayo sa ating pakikitungo hanggang sa puntong iyon. At kung mas naging patas tayo, mas maraming awtoridad/pagkilala/kalayaan/kapangyarihan ang matatanggap natin at pagkatapos pagsamantalahan ito.

Kung mayroong isang bahagi ng sipi sa simula ng artikulong ito na aking itututol, ito’y ang huling bahagi, ang bahaging kalimitang iniwan: "Ang mga dakilang tao ay halos palaging masamang tao." Mas mabuting sasabihin na tayong lahat ay "masamang tao" (kung karaniwan ay itinuturing bilang "dakila" man o hindi). Para sa ating iilan, napakadaling lumabas ang kasamaan; nakikita ito ng iba; at pagkatapos sila’y tumigil sa pagbibigay sa atin ng pagkilala na patuloy nilang ibinibigay sa mga mas matagumpay sa pagpapaamo ng kanilang katiwalian. Kaya't sa pamamagitan ng maraming paraan, ang mga "dakilang" pinuno ay yaong mga nagtagumpay laban sa "bumagsak na likas ng tao" nang konti pa kaysa sa iba sa atin. Kaya lang kapag sila nga’y bumagsak (kung sila nga’y babagsak) sila’y magkakaroon ng mas maraming pagkakataon na gumawa ng masama dahil sa nadagdagang kapangyarihan na kanilang natamo.

Kailangan natin ng mga pinuno, habang na nakikita nating sinasamantala ang pamumuno bawat araw. Ngunit kung makikita natin ito bilang isang suliranin ating nilalaban (pinuno man o tagasunod), kung gayon ay maaaring magkaroon ng higit na pag-asa para sa ating lahat.

Ang relihiyon ay madalas na inaakusahan sa pagsasamantala ng mga kamalian ng iba upang panatilihin ang kontrol sa masa. May kaunting katotohanan dito, ngunit mayroon ding problema, sa kadahilanan na dapat harapin ng tunay na espirituwal na pamumuno ang mga kamalian na iyon at maging patas na kumakatawan sa posisyon ng Diyos. Parehong ang pag-ibig ng Diyos at ang katarungan ng Diyos ay dapat ipabatid sa mundo. Ngunit ang mga ito dapat ipabatid sa pamamagitan ng mga paraan na hindi kumiling sa "tinig sa ilang" na kailangan ng isang tunay na espirituwal na pinuno na maging. Gaya ng sinabi minsan ni Juan Bautista (ang orihinal na "tinig sa ilang"), "Dapat siyang (si Jesus) maitaas at ako nama'y maibaba."

Nakamit ng mga mangangaral ng kasaganaan at iba pang mga ministeryo ng calvinismo ang maraming pagtatagumpay at katanyagan para sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga tao kung ano ang gusto nilang marinig tungkol sa "pagmamahal" ng Diyos, iyon ay na nais lamang ng Diyos na gawin silang malusog, mayaman, at tanyag. Para sa akin, ito’y isang katiwalian ng katotohanan. Ngunit sa parehong paraan, ang mga ministeryo na nagtuturo masyado tungkol sa walang-hanggang kapahamakan ay umaakit sa pagnanais ng mga tao na maging mas mataas sa pagiging matuwid kaysa sa iba kung talaga tayo AY mas mataas sa mata ng Diyos o hindi. Ang pagkondena, maging ito man sa kongregasyon o sa klero, ay kumakatawan, para sa akin, ng isa pang anyo ng katiwalian.

Kaya, kung kumukuha tayo ng isang malambot na linya ("Mahal ka ng Diyos.") o isang matigas na linya ("Ang Diyos ay hindi nasisiyahan sa iyong ginagawa.") at kung minamaliit natin ang masa mula sa pulpito ng pamumuno, o tumutugon sa pamumuno mula sa kongregasyon, makakatagpo tayo ng mga pagkakataong sirain ang kapangyarihang mayroon tayo. Ang pambobola at pagkondena ay kapwa pang-aabuso sa kapangyarihan. Kung babalewalain natin ito, gaya ng ginagawa ng marami sa atin, ginagawa natin ito para sa ating sariling espirituwal na kapinsalaan.

Nang matanggap na tayong lahat ay may kapangyarihan, at lahat tayo ay may posibilidad na pagsamantalahan ang kapangyarihang ito, ang malaking tanong ay paano natin babaligtarin ang tendensiyang ito? Sa palagay ko ito ay mababaligtad lamang sa pamamagitan ng panalangin. Ang ibig kong sabihin dito, ay na sa lihim na lugar, sa pagitan ng ating sarili at ng ating sariling konsensya, kailangan nating magpasya na harapin ang pang-aabuso sa ating sariling buhay sa tuwing nakikita natin ito, sa tulong ng Diyos. Kung makikita natin na ang tagumpay ng kahapon sa pagharap sa sarili nating katiwalian ay nagpapataas lamang sa ating kalayaan na maging mas tiwali ngayon, maaaring makatulong din iyan.

Laging mapagbantay. Laging tapat. Ito ay isang walang katapusang labanan, at ito ay isa na maaari lamang labanan sa kalihiman ng ating mga silid, kung saan hindi natin pinapansin ang mga pagkakamali ng iba maliban ang atin.


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account