Click on the quote below to read the article...

Apatnapung taon na simula nung unang kinuha ng Hollywood ang pagkakataon upang maglangkap ng mga eksenang pagtatalik sa mga pelikula, at maaari na ito maging ang oras upang balikan kung paano naimpluwensiyahan nito ang ating pag-iisip tungkol sa mga gayong bagay. Sa artikulong ito ipagtatalunan ko na marami sa atin ang nalinlang sa paniniwala na mayroong isang bagay na tama at mabuti tungkol sa desisyon na ingkorperahin ang hubad na mga eksenang pagtatalik sa mass entertainment, kung saan, sa katotohanan, ay talagang inihantad nito (at patuloy na inihahantad) tayo bilang mga hangal na lagi nalilinlang.

Dapat kong magbigay-alam na ang kahubuan mismo ay hindi kinakailangan ang naghahating linya sa pagitan ng mabuti at ng masama pagdating a libangan. Mayroon laging isang tendensiya para sa libangan na magbigay kasiyahan sa mga minorya ng mga manonood. Gayonpaman, ang kahubuan sa mainstream cinema ay naging punto ng pagkabago sa isang paraan na ipinagmura ang pagtatalik kung saan ang impluwensya nito ay kumalat, at sa gayon ay binago ang parehong pag-uugali ng tao at kung paano natin tingnan ang ating sarili at ang ating mga katawan.

Isang terminong na kadalasan ginamit sa paglipas ng mga taon ay ang “gratuitous”, ngunit ang terminong ito ay kadalasan pinakaginagamit kaugnay sa kaharasan na kadalasan nasasama sa maraming mga panlibangan sa mga panahong ito. Sa kasamaang palad, ang mga manonood ay madalas na nahahati sa pagitan ng mga tumututol sa gratuitous violence at ng mga tumututol sa gratuitous na eksenang pagtatalik/kahubuan, kung saan, ako ay naniniwala, na ang ating buhay ay hindi nakinabang sa alinman.

Ang mga mahilig sa sining (at tayo na mga magugustong isipin na mayroon tayong ilang pagsusukat ng paghanga sa sining) ay pinagsabihan na lahat ng ito ay tungkol sa “sining”, kung saan ito ay talaga tungkol sa paggawa ng pera sa pagbibigay ng kung anong gusto ng mga manonood. At tayo na tumututol sa censorship ay nakatanggap na ang iba ay maaaring manood ng kung anong napili nilang panoorin, ngunit madalas kaming nahuhuli ng vortex din, dahil lamang sa impluwensiya ng Hollywood hard sell na kumakalat sa lahat. Nais natin masabi na napanood natin ang mga pinakabagong blockbusters, at kaya patuloy natin pinapanood at pinapanatiling nakasara ang ating mga bibig kapag lumitaw ang mga eksenang pagtatalik sa screen.

Ang na, sa halos lahat ng bahagi, nakapaggawa sa mga sekswal na nilalaman ng mga pelikula bilang kakaiba mula sa maraming iba pang masasamang impluwensya at masasamang role model na nakakapag-lusot sa halos lahat ng libangan ay na ang iba pang bagay ay ang pag-arte at special effects, habang ang kahubuan at pagtatalik ay hindi. Oo, ang mga eksenang pagtatalik ay madalas kunwari lamang, ngunit kapag ang mga aktor ay naghuhubag at kapag nagsisimula silang naghahawakan sa isa’t isa, malinaw na ginagawa nila ang mga bagay na ay isang napakatotoong bahagi ng pakikipagtalik. Ang kanilang mga kasal ay nagdusa bilang resulta. Ikaw at ako at ang mga kaibigan at mga kamag-anak na nanonood ng pelikula kasama natin, ay hindi mag-iisip na manghalik nang malalim, at makipaghawakan sa isa’t isa roon sa silid o sa sinehan. Inanyayahan natin, sa esensya, ang mga estranghero na magsihubad sa harapan natin bilang isang anyo ng libangan, at tayo ay ginawang paniwalaan na ito ay isang makatwirang ugali para sa mga matatanda.

Kahit sa atin na nag-aangking Kristiyano ay sinubukan kumbinsihin nang maigi ang ating mga sarili at ang iba na hindi tayo napakaselan, na kinagatan natin ang ating mga dila bago magsalita bilang protesta laban sa gayong katawa-tawang pag-uugali. Habang ang ilan ay nakarating sa paniniwala na ang pakikipag-bahagi ng isang sinehan o lounge room kasama ng isang bilang ng iba pang mga tao, na lahat ay naging sekswal na napukaw sa kanilang nakikita, ay hindi dapat ikahiya, ang iba ay nangangailangang disiplinahin ang ating isip upang magkunwari na ang eksenang pagtatalik ay hindi nangyayari, upang iligtas ang ating sarili ang hiya ng pagiging sekswal na napukaw kasabay ng isang grupo ng mga kaibigan, mga kamag-anak, o (pagdating sa mga pampublikong sinehan) ganap na mga estranghero na nanonood ng parehong mga estimulante.

Sa puntong ito nais kong hamunin ang label pagiging maselan. Hindi ko iminumungkahi na mayroon anumang masama sa pagiging sekswal na napukaw. Ito ay maaari nga maging nasa sa konsensya na kung tama man o hindi na gamitin ang isang tao bukod sa iyong asawa na maghubag upang ikaw MAGING sekswal na napukaw. Mga indibidwal na pribadong nagsasalsal, o mga mag-asawang nasa silid-tulugan nakikipagtalik ay isang buong kakaibang bagay, gayunman, kung inihambing sa kung ano ang nangyayari kapag umuupo tayo kasama ng pamilya sa harap ng telebisyon, o kapag pumapasok tayo sa isang sinehan kasama ng napakaraming estranghero

Tulad ng nasa kwento ng Ang Bagong Kasuotan ng Emperor, kailangan natin ng isang simpleng pampagising sa atin, tulad ng ginawa ng bata sa kwento, na nagsasabi sa atin na “Ang aktor ay walang kasuotan.” Isang simpleng palatandaan na hindi ito ang kung ano gagawin o aatimin natin lahat sa silid sa gayong pampublikong paraan na nagpapakita sa atin ang katotohanan ng prostitusyon na nilinlang tayo na maging bahagi.

Nagkaroon ng mga pagsisikap upang pagbukud-bukurin ang mga pelikula upang malaman ng mga konsumidor kung ano ang kanilang kinukuha. Gayunman, sa atin na magpipili na huwag magkaroon ng sexual titillation na maglusot sa atin, ay kadalasan napilitang makaligtaan ang ilan sa mga pinakamahusay na pelikula na inaalok ng Hollywood, dahil lamang na naramdaman nila na dapat budburan ng ilang kahubuan o pagtatalik sa paghahalo. Tila na natatakot silang mawala ang mga miyembro ng mga manonood na iyon na gusto ng isang anyo ng sexual gratification higit sa natatakot sila na mawala ang ating suporta. Dahil nga hindi tayo nagsalita (at, sa katunayan, tila na mayroon iilang channels na natititra kung saan sa pamamagitan ng mga ito maaari tayong magsalita) ang Hollywood ay nakarating sa paniniwala na makakapagkamit sila ng mas marami pang manonood sa pamamagitan ng pagtambak ng kislap ng kahubuan sa loob ng isang pelikula tulad ng Forest Gump, kaysa naman kung tatanggalin nila ito. Ito ay ang masamang kalagayan kung saan nahanap natin ang ating mga sarili ngayon.

Paniwala ko na masyadong huli na upang baligtarin ang trend. Paniniwala ko na dahil nga ang sangkatauhan ay lalong napasama na hindi kailanman ito mawawala. Tayo ay halos unibersal na na -entedgrado sa nakikiliting impluwensya ng Hollywood, at gumagawa ito ng napakaraming bilyun-bilyon na hindi makikinig ang mga producer sa munting bulong na maaari nanggagaling kahit sa mga pinaka mapanlaban na kampanya upang baguhin sila. Kaya ang kinakailangan ay ang mga estratehiya na, sa kabila ng kawalang-kilos ng Hollywood, magpapanatili ng dignidad ng napakaliit na minorya na meron pa ring mabuting pag-iisip upang kuwestyunin kung gaano tayo na-brainwash.

Aking imumungkahi na ang unang hakbang ay dapat na maging ang pagtigil sa pag-iisip na “kailangan” natin ang panlibangan ng Hollywood. Hindi ko sinasabi na dapat nating tumigil sa “paggamit” ng panlibangan bilang isang anyo ng edukasyon o pamamahinga; ngunit sinasabi ko na kailangan mayroon tayong kakayahan na isaalang-alang ang pag-boycott bilang isang opsyon na maari tayo makapag-isip ng mga estratehiya na kumakatawan sa ating sariling kontrol sa kung ano ang ating pinapanood.

Magsimula tayo sa pagtatanong sa ating sarili, ano ang magiging epekto sa ating buhay kung tumigil lang tayo sa panonood ng lahat ng mga pelikula na kasalukuyan nating pinapanood? Mahahadlang ba tayo sa sosyal? Magiging malungkot ba ang buhay natin? Magdudusa ba ang ating katalinuhan? Pinapag-usapan ko rin (sa puntong ito) ang pagkakaligta ng ilan sa mga napakamahusay na relihiyosong epiko. Susugpuin ba nito ang ating espiritwal na paglago?

Sa palagay ko na kapag nahanap natin ang mga kasagutan sa mga tanong ito, ito ang magbibigay ng kapangyarihan sa atin na ibalik muli ang kontrol sa kung ano ang talagang pinipili nating panoorin sa TV o sa mga sinehan. Maaari tayong mabuhay (at kahit lumagi) nang wala ng mga ito. Magsimula sa pagkikilala nito.

May isang tao na nagsabi ang Walt Disney ay nakagawa ng mga pelikula na hindi ikinahihiya ng mga bata upang dalhin ang kanilang mga magulang. Tiyak na ipinakita ng Walt Disney na ang libangan ay hindi kinakailangan magtaguyod ang imoralidad promiskyuwidad upang maging kaaliw-aliw. Ngunit marami sa atin ang nalinlang sa pag-iisip na hindi tayo “mature” o “matanda” maliban kung pinapanood natin ang mga “matitigas na bagay”. Ramdam natin na hindi tayo kumpleto bilang mga tao kung titingin lang tayo sa seksyon ng pambata sa isang video shop. Karamihan sa atin ang hindi talaga pumupunta roon, kahit na ang mga gayong napakahusay na mga klasiko tulad ng Lord of the Rings ay madalas inilalagay doon at doon lamang.

Ang mga klasipikasyon tulad ng “for mature adults” ay maaari pang mas wasto kapag ginamit nila ang mga salita tulad ng “nakakasuka”, “suckers”, at maaari ring “mahalay” upang ilarawan ang mga taong na magpipili sa kanila higit sa mga napakahusay na pelikula na hindi nila nakikita ang pangangailangan na dumagdag ng kahubuan o eksenang pagtatalik sa banghay.

Napakaraming magagandang pelikula sa panahon ngayon, na hindi dapat natin talaga isaalang-alang ang mga nagpapakita na ang mga ito ay na naituring M o R dahil sa tahasang sekswal na nilalaman. Inuulit ko, mayroong mga bagay tulad ng mga masasamang salita, paggamit ng droga, at kaharasan na maaari o hindi maaari makapag-offend sa iba. Ang mga klasipikasyon ay naroon upang makakapagpasya ka para sa sarili bago mo maisip na uwiin ang video. Ngunit, sa partikular, ang pinapag-usapan ko ay ang tungkol sa totoong na taong naghuhubad at kumikilos sa mga paraan na hindi mo gugustuhin o, tiyak, na talagang hahayaan ang sinuman pa na kumilos kasama ng mga nanonood ng pelikula kasama mo. Ito ay nakakapag-awa na napakaraming mahuhusay na aktor ang sumuko sa pagsasagawa ng prostitusyon sa ganitong paraan, upang makagawa sila ng isang pangalan para sa kanilang sarili sa Hollywood, ngunit at least maaari nating tanggihan na suportahan ang isang gayon industriya sa pamamagitan ng hindi pag aanyaya sila sa ating mga tahanan.

Sinubukan ng ilang sa amin na laktawan o harangan ang screen kapag lumitaw ang eksanang pagtatalik, Ngunit ito ay isang kahiyang-hiyang nakahihirap at hindi gumagana na proseso, bigyan na karamihan sa atin ay hindi nakakaalam sa hinaharap kung kailan lilitaw ang mga eksenang ito, o kung gaano katagal sila mananatili, at bigyan na mayroom maraming iba pang magagandang pelikula na WALANG gayong mga eksena talaga. Sa katunayan, tila kinikilalanin natin, sa lahat ng kakuririan na dinaanan namin upang taguin ang mga eksenang pagtatalik, na hindi namin maaari panoorin ang mga natitirang mga minuto sa pelikula. Aking sasabihin na itapon nalang natin ito kaysa magpakahirap tayo na gawin ang trabaho ng paglilinis para sa kanila.

Napakaraming pelikula na aking napanood sa mga eroplano sa mga nagdaang taon, kung saan na-delete ang eksenang pagtatalik, na alam ko na mayroon ilang napakagandang pelikula na hindi kinakailangan ng eksenang pagtatalik na napilitang ilagay sa banghay upang makaakit ng mas marami pang manonood. Gayunman, kung pinipilit ng mga producer na maglagay ng gayong mga bagay sa kanilang mga pelikula, sa gayon sa aking tahanan, mas gusto ko pang ilagay ang aking consumer vote bilang pabor sa mga producer na iyon na hindi nag-iisip na kailangan nila mag-lagay ng mga kahubuan o eksenang pagtatalik upang mabenta ang kanilang mga produkto.

Kung nakukulangan tayo ng mga magagandang pelikula dahil sa gayong desisyon, sa gayon na maaari ito maging panahon kung saan dapat natin magsimula na isaalang-alang ang iba pang paggamit ng ating oras: larong pampamilya, pakikipag-usap sa ating mga kaibigan, oras sa balkon tumitingin sa mga bituwin, isang magandang libro, atbp. Napakarami tayong magagawa roon sa tunay na mundo lampas sa sinehan.


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account