Click on the quote below to read the article...

Mga Detalye
Nilikha: 01 Abril 1996

Ang huling libro ng Bibliya ay pinangalangang Ang Pahayag ng mga protestante at Ang Apocalipsis ng mga Katoliko. Ito ay isang patulang paglalarawan sa labanan sa pagitan ng mabuti at ng masama, gumagamit ng napakaraming mga simbolo at nilalang upang ilarawan ang mensaheng ito.

Ang mga bahagi ng libro ay espisipikong nag-uusap tungkol sa panahon malapit sa katapusan ng kasaysayan, nang si Jesus ay dapat ng bumalik sa daigdig at maglaban sa isang matinding digmaan sa kasamaan, karaniwang kilala bilang Ang Labanan ng Armagedon.

Sa mga nagdaang siglo, milyon-milyong tao ang na-intriga sa Ang Pahayag, lalo na habang sinubukan nilang gamitin ito upang tuklasan ang mga eksaktong petsa para sa kung kailan mangyayari ang mga pangyayaring ito. Ang buong mga denominasyon ay nabuo sa batayan ng isang partikular ng interpretasyon, pinaka lalo na ang mga Saksi ni Jehova, Ikapitong Araw na Adventista, at ang Christadelphians. Ang gayong mga denominasyon ay karaniwang itinuring bilang mga kulto, mga nasa labas ng kumbensyonal na Kristiyanismo; at ang kanilang mga prediksyon ay halos ipinatunay na maging mali.

Bilang kinahinatnan, Ang Apocalipsis mismo ay napunta sa kahihiyan. Ang ilang mga pari at mga ministro ay bukas na nangangaral sa kanilang mga kongregasyon na huwag na lang ito basahin. Sa pagitan ng mga Protestante, ang mga pag-uusap tungkol sa katapusan ng mundo o ang literal ng pagbabalik muli ni Jesus sa daigdig ay pinalitan ng mga doktrina tungkol sa kalusugan at kasaganaan. Sa kabuuan, ang institusyonal na simbahan ay patungo sa Ika Dalawampu't Isang Siglo nang may higit pang pagkabahala tungkol sa relihiyosong karanasan sa kasalukuyan kaysa sa mga pangako na nanggaling sa Diyos kung saan ay halos 2,000 taon nang parating.

Gayunman patuloy ang pagkawili sa Ang Pahayag, minsan sa mga pinakanakakaibang lugar. Ang mga sipi kung saan nangangailangan ng pananampalataya sa isang partikular na interpretasyon ng eksperto sa teolohiya ay maging ng pagkawili ngayon ay nangangailangan lamang ng kaunting kaalaman sa mga pangyayari sa mundo, partikular sa aspekto ng teknolohiyang kompyuter.

Ang Omen trilogy na pinalabas noong huling mga 1980 ay nagbigay daan sa isang bilang ng iba pang mga pelikula tungkol sa paksa ng isang paparating na pinuno ng daigdig na magiging Anak ni Satanas halos sa parehong paraan tulad ni JesuKristo ay ang Anak ng Diyos. Sa dekadang ito, ang rock groups tulad ng Iron Maiden ay nagkaroon ng hits tulad ng The Number of the Beast. Ang pamagat ay tumutukoy sa numerong 666, o ang “tatak” ng pinuno ng mundong ito, na binanggit sa ika-13 kabanata ng Ang Pahayag. At si Stephen King ay karaniwang gumagamit ng mga temang apokaliptiko sa gayong mga libro tulad ng The Stand.

Tulad ng mga kulto na nauna sa kanila, ang mga bagong guro ng Ang Pahayag ay patuloy sa pagsasamantala ng pagkatakot at pagsusulong ng pamahiin. Ang tunay na mga kasagutan sa mga tanong na ibinigay ay patuloy nagiging bahagya o wala.

Maraming sipi sa Ang Apocalipsis ay nangangailangan ng mga paghahambing sa magkatulad na mga sipi sa mga sulat ng propetang Hebreo na si Daniel bago maunawaan ang mga ito. Isang eksepsyon ay ang isa na nag-uugnay sa “tatak” na binanggit sa taas.

Ang Pahayag ay nagsasalita ng isang Halimaw na “binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ang sanlibutan. ” (Revelation 13:7-8, Magandang Balita Biblia)

Ang sipi ay patuloy na nagsasabi, “Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon. Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at animnapu't anim (666).” (Revelation 13:16-18, Magandang Balita Biblia)

Sa panahon ng Repormang Protestante ito ay naging tanyag na tukuyin ang pinuno ng Simbahang Katolika bilang ang halimaw, o ang Antikristo. Ang opisyal na titulo sa Latin para sa pinuno ng Simbahang Katolika (“Vicarivs Filii Dei” kung saan nangangahulugang “bilang kapalit ng Diyos”) ay naglalaman ng isang bilang ng mga titik na nagamit din bilang mga numerong Romano (V, I, C, L, D). Kung bilangin ang lahat ng mga ito, ang mga ito ay bumubuo ng 666.

Sa di-nagtagal na mga taon ang mga tao ay gumamit ng mas kontribo pang mga sistema upang pangalanin ang anumang numero ng mga pinuno ng mundo bilang ang Antikristo. May isa ang nakapag-isip ng isang sistema para idahilan ang mga numerong halaga sa bawat titik ng alpabetong Ingles at makakuha ng suma ng 666 para sa pangalan ni Henry Kissinger. At isang mas lalo pang kontribong sistema ang ginamit upang gawin si Mikhail Gorbachev bilang ang Halimaw, sa pamamagitan ng paggamit ng alpabetong Rusya. Si Ronald Wilson Reagan ay tinawagan ng Halimaw dahil lamang na ang una, huli at gitnang niyang mga pangalan ay mayroong aanim na mga titik!

Ngunit habang ang mga pagsisikap upang pangalanan ang Antikristo gamit ang kinatatakutang numerong 666 ay hindi pinatunayang kapani-paniwala, sa di-nagtatagal na mga panahon ang pansin ay tumungo sa hinulaang paggamit ng numerong 666. Inilalaan ng Expositor’s Bible Commentary, inilathala ng Zondervan Publishing House, ang mga pagsisikap na pangalanan ang Antikristo at nagbibigay diin na ang numerong 666 ay karaniwang nauugnay sa kontrol ng sosyo ekonomiko at ito ay kahit paano nauugnay sa “idolotriya at pag-aalipusta”.

Sa pamamagitan ng pamamaraang ito, isang bilang ng mga tao ang naidulot na itanong ang lumalaking paggamit ng numerong 666 bilang ugnay sa mga banko at computer.

Ang mga balita ng press ugnay sa mga Smartcard at ang paparating na ekonomiyang cashless ay madalas tila na kinuha ng direkto mula sa Ang Pahayag. Sa pamamagitan ng paggamit ng isang maliit na microchip kasing-laki ng isang butil ng bigas sa mga Smartcard na inilaan sa bawat mamamayan sa daigdig, at isang malaking central computer base, bawat transaksyon sa negosyo sa buong mundo ang maaaring sundan at ma-iulat. Walang sinuman ang maaaring magbili o magbenta nang walang microchip. At kapag ang mga tao ay sapat na edukado sa paggamit ng mga Smartcard ito ay magiging maikling hakbang lang upang tanggalin ang microchip mula sa mga Smartcard at itanim ito sa ilalim ng balat ng kanang kamay (o sa noo kung ang tumatanggap nito ay nawawalan ng isang kanang kamay). Ang implant ay makakamit nang walang sakit at nang hindi nakikita at ito ang mag-aalis sa mga problema ng mga nawawala o nanakawang credit card.

Ngayong linggo lang sa Sydney, dalawang Kristiyano ang pumunta sa isang branch ng ANZ Bank nang may barcode na iginuhit sa kanilang mga ulo at sa pamamagitan lang ng kanilang presensya ay nagalit ang mga tauhan ng bank na ang mga pulis ay tinawagan at ang mga lalaki ay pisikal na inalis mula sa kanilang mga kinatatayuan. Nung bumalik sila mamaya sila ay na-aresto at siningil ng trespassing.

Sa kalye ibang kalbong mga katulong ang namimigay ng isang maikling polyeto na nagbabala sa mga tao laban sa mga pagkilos tungo sa gayong ekonomiya. Narito ang kung ano ang sinabi nito:

Antikristo: “Ang diabolikal na lalang na nilalabanan ng tunay na Messiah. Ang Katapusan ng Mundo ay ipagbabando sa pamamagitan ng kanyang huling desperadong pagsisikap upang magdala ng tagumpay laban sa mga kapangyarihan ng kasamaan, ngunit siya ay huling malulupig ni Kristo sa Ikalawang Pagdating. Nagkaroon ng isang matibay na paniniwala noong mga Gitnang Panahon na titindig ang Antikristo sa Roma. Ito ay nagdulot kay mistikal na si Joachim of Fiore (c. 1130/5-1201/2) na gawing kapantay siya sa Papa.” p. 29, Dictionary of Christian Lore and Legend, J.C.J Metford, Thames & Hudson, 1983

Halimaw ng Apocalypsis: “Isa sa dalawang halimaw… na sumisimbolo sa pangunahing mga kaaway ng mga Sinaunang Kristiyano. Ang isang ito ay nagdadala ng numerong 666, na nagbigay bangon sa maraming interpretasyon.”

Antikristo: “Ang prinsipe ng mga kaaway ni Kristo… Marami ang nakikita sa kanya sa loob ng mga kakaibang halimaw ng Pahayag, minsan inakala siya na kumakatawan sa Roma, at ‘ang taong makasalanan’ ng 2 Thessalonians 2:3-10, na lilitaw pagkatapos ng isang malaking apostasya bago ‘ang araw ng Panginoon’ at umupo sa santuwaryo ng Diyos, na nag-aangkin na maging ang Diyos… Ang iba iniugnay ang Antikristo na hindi sa tao kundi sa isang masamang prinsipyo… Gayunman nakita ng mga iba sa Anticristo isang pagtukoy kay… Caligula. Ang pagsisikap ni Caligula na itayo ang kanyang rebulto sa Templo sa Jerusalem, at ang pagtrato sa Emperor bilang isang diyos at ang pagsamba sa Emperor, ay matibay na iminungkahi na ang Antikristo ay magmumula mula sa imperyal na Roma… Nagsaad si Cyril ng Jerusalem na siya ay magiging isang salamangkero na kukunin ang kontrol ng Imperyong Roma, na nag-aangkin na maging si Kristo, ilinlang ang mga Hudyo sa pamamagitan ng pagiging ang Anak ni David at buoin muli ang Templo, at na, pagkatapos usigin ang mga Kristiyano, ay mapapatay sa Pangalawang Advent ng Anak ng Diyos. Sa simula ng Repormasyon, ang pagkilala sa Papa sa Antikristo ay madalas ginagawa, lalo na sa mga mababang edukadong grupo ng Protestantismo. pp. 63-64, The Oxford Dictionary of the Christian Church, 2nd Ed. Oxford University Press, 1978.

The Expositor’s Bible Commentary, Vol. 12, page 533, Zondervan Publishing House, 1984. Revelation 13:18: “Gumamit ang mga Hudyo ng mga numero ng alpabetong Hebreo upang mag-indika ng mga nakatagong pangalan at mga misteryosong ugnayan sa ibang mga salita sa parehong numerong halaga… Na pagkatapos… inunawaan ng halos lahat ng mga komentarista ang mga salita ni Juan ‘Hayaan siya na kwentahin ang numero… Ang kanyang numero ay 666’ na maging isang imbitasyon sa mambabasa… na tagpuan ang identidad ng halimaw… Si Irenaeus (ikalawang siglo)... [pinaniwalaan] na ang pangalan ay magiging lihim hanggang sa oras ng paglitaw ng [Halimaw] sa hinaharap sa daigdig.” “Sa Revelation 15:2 ang mga nagtagumpay ay nagtagumpay laban… sa numero ng kanyang pangalan, na nagmumungkahi ng isang simbolikong kabuluhan ugnay sa idolotriya at pag-aalipusta kaysa sa pagtagumpay laban sa isang solusyon sa puzzle ng tamang pagkilala sa isang pangalan ng isa.”

Isang lumalaking bilang ng mga indibidwal at grupo sa buong mundo ang humuhula na ang isang kasalukuyang trend patungo sa cashless society ay isang masamang konspirasyon, nakatutok sa pagkontrol ng buong sangkatauhan.

Ang kanilang mga paliwanag, motibasyon, at solusyon ay iba-iba nang marami. Ngunit sumasang-ayon silang lahat na kung anong nakikita natin na nangyayari sa mundo ng pagbanko ay hinulaan sa ika-13 kabanata ng Ang Pahayag (ang huling libro ng Bibliya) halos noong 2,000 taon nakalipas, at iyon ay hahantong sa sakuna.

Sa kabuuan, ang mga grupong ito ay kumakatawan sa lunatikong gilid ng Kristiyanismo. Sila ay nabibilang sa mga grupo na humuhula ng mga petsa para sa ikalawang pagdating ni Kristo pati rin mga grupo na nag iipon ng mga sandata bilang pag-asam ng isang pandaigdigang sakuna.

Ngunit ang kanilang pangunahing mensahe (na ang cashless na lipunan at ang nag-iisang pamahalaan ng daigdig ay nahulaan sa Bibliya) ay nakakamit ng pagtanggap sa isang mas malawakang cross-section ng pareho ang simbahan at ang mundong sekular. Maraming indibidwal ang kumikilala na mayroon isang singsing ng katotohanan dito kahit hindi sila nag-subscribe sa ibang mga paniniwala ng mga grupong binanggit.

Kaya’t ano ba, eksakto, ang hula?

Ito ay mahanap sa Revelation 13:16-17. Ang konteksto ng hula ay na ang isang alyansa ng mga bansa ang magmumuno nang tuluyan sa mundo. Isang pinuno ang magkakamit ng kontrol ng katawang iyon. Siya ay magkakaroon ng malawakang suporta, at ang kanyang mga polisiya ay mag-reresulta sa kapayapaan at kasaganaan para sa karamihan ng sangkatauhan.

Siya ay magtatagumpay sa pagkuha sa buong mundo na kumuha ng isang tatak sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo, kung saan nang wala ito, hindi sila makakapagbili o makakapagbenta. Kapag mayroon siyang ganap na konrol sa ekonomiya ng mundo, itataas niya ang kanyang sarili sa posisyon ng isang diyos, at siya ay magsisimula ng isang malawakang pagbibitay sa sinuman tumatanggi na sambahin siya. Mas maraming tao ang mapapatay sa purgang ito kaysa sa anumang nakaraang panahon sa kasaysayan ng daigdig. (Matthew 24:21-22)

Ang pinunong ito ay tinawagan Ang Halimaw. Hindi siya isang tao sa anumang antas. Siya ay ang Anak ng Diyablo karamihan sa parehong paraan na si JesuKristo ay ang Anak ng Diyos. Nagbabala ang Bibliya na ang sinuman ang kumuha ng “tatak” ng Halimaw ay tatanggap ng ganap na lakas ng galit ng Diyos. (Revelation 14:9-11)

Ito ay nakatutukso kapag sumusulat tungkol sa Tatak ng Halimaw, na gumawa ng mga hula alang-alang sa kasalukuyang pandaigdigang kilos tungo sa cashless na lipunan. Halos mayroon nang tiyak isang ugnayan sa pagitan ng dalawa.

Ngunit hindi talaga tayo “humuhula” kapag ginagawa natin iyon, nang karamihan na “iniinterpreta” natin ang propesiya sa ilaw ng pang-araw-araw na dyaryo. At kapag tayo’y nakagawa ng isang pagkakamali o nagpalabis, o nagpalagay na ang mga bagay ay mangyayari nang mas mabilis kaysa sa ano nga talaga, lahat ng ito ay magagamit laban sa atin, at ang resulta ay nawalan ng kredibilidad ang orihinal na hula.

Kung tunay ang isang hula, ito ay dapat maging lubhang malinaw habang ito ay talagang nangyayari na. Bago ang panahon iyon, maaari mayroong isang dakilang bilang ng mga palatandaan o “mga palatandaan ng mga panahon.” Ngunit wala sa mga palatandaang ito na mismong kapani-paniwala.

Barcode 666Halimbawa, ang computer barcode, kung saan lumalabas ngayon sa halos lahat ng iyong mabibili sa tindahan, na nagpapakita ng tatlong pares ng mga linya (sa bawat huli at sa gitna) na medyo mahaba kaysa sa iba pang mga linya. Ang tatlong pares ng mga linyang ito ay pareho sa lahat ng mga produkto na gumagamit sa partikular na sistema na iyon, at ang pinakatanyag na sistema ay gumagamit ng mga linyang simbolo para sa bilang anim sa bawat isa sa mga tatlong lugar na ito, na nagbibigay bangon sa suhestiyon na ito ay ang buktot na “666” na nabanggit sa Revelation 13:18 bilang ang “numero ng Halimaw”. Ngunit kung ang padron ng 666 ay itinanggal mula sa sistema ng barcode, hindi ito makakapaggawa sa hula bilang huwad. Ito ang makakapaggawa lang sa interpretasyon bilang mali.

Ang orihinal na simbolo ng bankcard ay tatlong anim (isa’y pula, isa’y kahel, at isa’y dilaw) sa loob ng isa’t isa. Ngunit ito ay nagbigay daan para sa ibang mga card na tila hindi gumagamit ng mga anim.
Bankcard logo
Ako nang personal ay nagdusa ng pagkakahiya ilang taong nakalipas nung ako’y nag-imprenta ng isang artikulo batay sa isang balita noong Marso, 1984, Australian Bank Employes New Bulletin, na sinabi na ang isang experimento ay nagsimula sa Sweden na kinabibilangan ng mga espesyal na mga tatak sa ibabaw ng kamay o noo ng 6,000 na mga tao. Sinabi ng report na ang tatak ay magagamit sa lahat ng transaksyon sa negosyo na ginawa ng mga taong iyon.

Nung kontakin ang Bank Employees Union tungkol dito pagkatapos lumabas ang aking artikulo, ako ay pinagsabihan na ang artikulo sa kanilang newsletter ay naging isang biro lang para sa April Fool’s.

Gayunman ang paulit-ulit na tanong sa ilalim ng lahat ng ito ay bakit ramdam ng mga banko (o mga empleyado ng banko) na mahalaga na maglunsad ng gayong mga pagbibiro o patuloy na gumagamit ng ipinagbabawal na numerong 666. Ang lahat ng ito ba ay bahagi ng isang plano upang haluin ang kutya kasama ang mga eskema na subukan ang reaksyong ng publiko sa gayong isang ideya?

Ang bagay na tila na isang biro noon 1984 ay higit pang sineseryoso ng mga banko, ng medya, at ng publiko ngayong 1996; gayunman ang mga taong nanghula ito ay patuloy inilalarawan bilang mga panatiko na naniniwala sa isang bagay na “hindi totoo” at nang may ligaw na imahinasyon. Tila hindi ito katwiran.

Ang mundo ay nakagawa ng malaking kuriri sa mga hula ng mga tao tulad ni Nostradamus at ni Jeanne Dixon, na naging mali sa kanilang mga prediksyon higit pang madalas kaysa na sila ay naging tama. Ngunit narito ang isang napaka malinaw at makatarungan na hula kung saan ay naunawaan at inabangan ng halos 2,000 taon na. Ito ay napakalapit sa pagiging totoo sa ating sariling buhay. Ito ay nagdadala kasama ito ng ilang napaka makapangyarihang babala para sa buong sangkatauhan. Kaya’t bakit hindi dapat tayong gumawa ng ilang seryosong pag-uusap tungkol sa ano maaari ito ibig-sabihin para sa atin bilang isang lipi at bilang mga indibidwal kung hindi natin pansinin ang mga babala ng may kaugnayan sa hula. Iyon ang lahat na akin hinihingi.


(See also The Root of All Evil.)
(Tingnan din: Ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan)


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account