Click on the quote below to read the article...


Mga Detalye
Nilikha: 01 Hunyo 1987

Ang mga opinyon, mga karanasan, mga kaugalian, at mga paniniwala tungkol sa seks ay sobrang naiiba na halos walang masasabi nang dogmatika sa paksa. Gayunman ito ay isang aspekto kung saan umiiral ang mga dogma… mula sa mahigpit na relihiyosong mga dogma hanggang sa maatim na mga dogmang liberal (hal. “Walang masama kung ito ay nakakapag-bigay ginhawa sa iyo”)

Kahit ang mga indibidwal ay naiiba alang-alang sa kung anong nararamdaman natin ay tama. Lumilingon tayo nang may hiya sa mga bagay na ginawa natin nung tayo ay sobrang napukaw sa sekswal; gayuman alam natin na sa ilalim ng parehong mga kondisyon maaari na gagawin natin lahat ulit.

Bagaman, ibabahagi namin ang ilang mga obserbasyon na maaaring tumulong na bumuo ng tulay sa pawang pagitan ng dalawang matitinding posisyon sa mga bagay na sekswal:

1. Iba na ang mga panahon. Hindi dapat maapektuhan ang moralidad sa pamamagitan ng pag-iiba ng kaugalian; ngunit karamihan sa dumadaan para sa moralidad ay, mismo, tradisyon lamang. Ang mga nagsasabi na ang mga tao ay kasing promiskuwal sa panahon ng Victoria (kahit nang lihim) ay kasing mali tulad ng mga nagtatalo na ang mga tao ay maaari maging kasing sekswal na napigil ngayon tulad sila noon sa ika-19 na Siglo.

Ang dalawang malaking pagbabago ay sa kontrasepsiyon at ang mass media. Ang dalawang dahilan na ito ay nagtatrabaho nang magkasama upang isulong ang pinakamatinding sekswal na aktibidad: Ang media ay nagbibigay ng walang tigil na pagpapasigla; habang ang kontrasepsiyon ay nag-aalis ng banta sa di-ginustuhang pagbubuntis. Ang pagtanggi sa kontrasepsiyon nang hindi tinatanggi ang mass media ay naglagay ng imposible na mga demanda sa mga milyun-milyong mga tao.

Ang seks ay ginamit sa advertising, mga kanta, mga pelikula, telebisyon at mga nobela. Kung maaari matakas natin ang deretsong ugnayan sa lahat ng mga ito, hindi natin matatakasan ang impluwensiya ng isang lipunan na idinoktrinahan din ng media. Kapag lahat ng ating nakikilala ay nagpapalagay na ang sekswal na promiskuwidad ay normal, mahirap panatilihin ang isang kombiksiyon at pamumuhay na naiiba rito. Ang sekswal na pagtatanghal ay sobrang bahagi sa pagpapahalaga ng Kankurang mundo na kahit ang mga asawang babae ng mga pinuno sa simbahan ay naglalabanan para sa atensyon ng magkabilang kasarian sa pamamagitan ng kasuotan, makeup, alahas, atbp. (na lumalaban sa 1 Peter 3:3-4)

Ang isa ay maaaring mabaliw sa pagsubok na tumalikod mula sa lahat ng gayong mga tukso. O maaari ang isa na kilalanin ang kontrasepsiyon bilang isang bahagi ng ‘paraan ng pagtakas’ ng Diyos. (1 Corinthians 10:13) Sa ibang salita, sa isang sitwasyon (hal. kasal) kung saan ang unting sekswal aktibidad ay hindi itinuturing makasalanan (Hebrews 13:4), sa gayon ang maraming sekswal aktibidad ay hindi dapat ituri ring makasalanan. Sa Isang paraan o sa iba, magkakaroon ng mas higit pang sekswal aktibidad bilang resulta ng lahat ng sekswal pagpapasigla na lumalapit sa atin mula sa bawat direksyon sa mga panahong ito. At lahat na kinakailangan para sa mga mag-asawa na makipagtalik nang mas malaya, ay para sa kanila na gumamit ng kontrasepsiyon. (Ang mga problema hinarap ng mga singles ay naka-address sa kasunod na punto).

2. Ang kuryosidad at pagpukaw ay hindi pagnanasa. Ito ay halos imposible upang pigilan ang mga biyolohikal na udyok ng isa; ngunit ito ay hindi talaga mahirap na kontrolin ang pangako ng isa sa kastidad. Isang di-pagkakaunawa sa pagtukoy ni Kristo sa panglulunya sa puso ng isa (Matthew 5:27-28) ay nagdulot sa maraming tao sa isang habambuhay na pagsisisi tungkol sa pagiging interesado sa o napukaw sa pag-iisip tungkol sa seks. Sa pagdagdag dito ay ang suhestiyon na kahit sa loob ng kasal ito ay makasalanan na gustuhin ang seks para sa aliw (habang sa parehong oras sinisikap na iwasan ang pagbuntis) at mayroon kayong isang lipunan ng mga tao na nangangaral ng isang bagay na napakakaunti sa kanila ang maaaring magsagawa.

Bihira sa mga pinaka striktong puritans ang nagkokondena ng wet dreams; ngunit marami ang agad na ikondena ang wet daydreams (iyon ay ang pagsasalsal) bilang pagnanasa at makalulunya sa espiritwal. Ngunit ang pagsasalsal at/o madalas na pakikipagtalik sa loob ng kasal ay madalas ay ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pang lulunya; iyon ay pag-atupag sa pagpukaw sa isang gayong paraan upang alisin ang biyolohikal na presyur na mangalunya.

Hindi kinokondena noon ni Jesus ang mga Pariseo sa pagiging pukaw sa sekswal nung sinabi niya na sila’y nagkasala sa pangangalunya sa kanilang mga puso; sa halip, alam niya na gusto nilang mangaliwa sa kanilang mga asawa, ngunt napigilan sila dahil lamang sa takot na mahuli.

Ang pagkokondena sa kontrasepisyon at pagsasalsal (dalawang aspekto kung saan ang Biblia ay tahimik) ay bumubuo ng hindi tapat na mga karamdaman na nagkasala sa mga tao na madalas tinutulak ng media sa isang anyo ng sekswal na ginhawa. Ang di-natural na anyo ng pagkondena ay talagang nagbunsod ng homosekswalidad, prostitusyon, at pangangaliwa (mga paksa kung saan ang Bibliya ay sa partikular hindi tahimik!)

Kung ikaw ay naiinis sa sekswal, ngunit hindi gusto na mangalunya, sa gayon ang pagsasalsal o nadagdag na marital na pagtatalik ay ang malinaw na mga solusyon. Siyempre, kung gusto mong mangalunya, sa gayon kung kailanman ka man nagkaroon ng sapat na lakas-loob na gawin ito, ikaw ay nagkakasala sa pagnanasa sa isang bagay na hindi mo dapat. Iyon ang punto na ginawa ni Jesus sa Matthew 5:27-28.

3. Mayroon isang lugar para sa dobleng pamantayan. Ang paraan na ang isang mag-asawa ay kumikilos sa loob ng silid-tulugan ay malinaw na hindi ang paraan nila kumilos sa pampubliko. Ang lantad na sekswalidad, tulad ng nakasaad kanina, ay isang ugat ng madalas na sekswal na kainisian sa iba. Kaya’t dapat maalalahanin ang isang mag-asawa sa mga epekto ng kanilang kilos na magkakaroon sa iba bago itanghal ang kanilang mga kalayaan. Ang bagay na laging pinapabayaan ay maaaring nakakahiya sa iba; dapat nating irespeto ang mga karamdaman ng iba.

Karamihan sa pakikipagsapalaran sa kasal ay nagmula sa sekswal na pagsasaliksik at pagka diskubre. Habang ang mga kabataan ay dapat maramdaman na malaya tungkol sa pag-uusap tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa seks, ang ideyal na lugar para sa kanila na hanapin ang mga sagot sa karamihan na ay idle curiosity lamang ay sa kompanya sa kanilang ikinakasal. Ito ay kahihiyan na ninakaw ng media sa mga kabataan ang karamihan sa mga kasiyahan ng gayong pagkaka diskubre.

4. Sa wakas, ang tunay na problema (ulit) ay KASAKIMAN. Ang simbahan ay, sa sobrang tagal na, naglatag ng pagsisi para sa sekswal imoralidad sa likod ng mga sekswal na aktibong masa, nang may bihirang pagsisisi sa mga negosyante na nagsasamantala ng seks upang ibenta ang kanilang mga produkto. Hangga’t at maliban kung ang tunay na may sala ay nalantad, patuloy ang pagkakalito at ang maling pagkokondena .


(See also Birth Control, and Wanking, The Last Taboo)
(Tingnan rin Kontrasepsiyon, at Pagsasalsal, Ang Huling Bawal)


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account