Ang mga iba’t ibang sipi sa Bibliya ay naglalarawan ng mga espisipikong pangyayari na ang mga tao ay tinuruan na abangan para sa pagpapahiwatig na papalapit na tayo sa pagbabalik ni Kristo. Kabilang sa mga ito ang mga natural na sakuna at mga mahahalagang pagbabago sa politika at ekonomiya ng mundo, ngunit kinakabilang ng mga ito rin ang isang hanay ng mga mas banayad na phenomena, tulad ng nailarawan sa talata mula sa liham ni Pablo para kay Timoteo sa itaas.
Nung kausap niya ang kanyang mga alagad tungkol sa mga huling araw, nagbabala si Jesus na: “Dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig.” (
Matthew 24:12). Madali na tingnan ang ugnayan sa pagitan ng pagdami ng pag-ibig sa sarili, na ipinahayag ng mundo ngayon, at ng pagbabawas ng tunay na pagibig na maka-Diyos, na tinuri at ipinakita ni Kristo.
‘Sa Greek Mythology, Si Narcissus ay kilala sa kanyang kagandahan at sa pagiging maangas, dahil d’yaan hinamak niya ang mga nagmamahal sa kanya. Si Nemesis, ang espiritu ng makatarungang paghihiganti laban sa mga napadala sa pagiging maangas sa harap ng mga diyos, ang nakapansin sa pag-uugaling ito at inakit si Narcissus sa isang lawa, kung saan nakita niya ang sariling imahen. Si Narcissus ay nalunod dahil hindi siya maka-alis sa kagandahan ng kanyang imahen. Si Narcissus ang pinagmulan ng salitang ‘narcissism’, isang fixation sa sarili at ng pisikal na kaanyuan ng isa.
Nabubuhay tayo sa panahon ng malinaw na pagkahumaling sa labas na kaanyuan at dekadensiya. Ang ating panlahat pag-iisip ay napuno ng mga nakalilinlang na catchphrases, tulad ng mula sa isang “beauty” label, ‘L’Oreal’, na bumebenta ng kanilang mga produkto sa pagsasabi sa atin: “Because you’re worth it!” Isa pang brand na hindi pa tumatagal, ‘Urban Decay’, ay nagbebenta sa mga dalaga ng isang linya ng “beauty” products, nagtatampok ng “Perversion” mascara at “Blackheart” Gothic nail polish. Tila na ang halimaw ay inilalarawan ang kanyang sariling imahe sa lalong matapat na mga salita.
Maraming anyo ng pag-ibig sa sarili ang na ialok sa lipunan ngayon, ngunit mapagtatalunan na ang pinaka laganap at tinatanggap sa lipunan ng mga ito ay ang “selfie”. Dinedipine ng Wikipedia ang selfie bilang ‘isang larawan ng sarili sa litrato, karaniwan kinuha sa pamamagitan ng isang digital camera o camera phone na nakahawak sa kamay o sinusuportahan ng isang selfie stick. Ang selfies ay karaniwang ibinabahagi sa mga social networking services tulad ng Facebook, Instagram at Twitter. Ang mga ito ay karaniwang nakabibigay-puri at ginawa upang lumabas bilang casual. Halos lahat ng selfies ay kinuha sa pamamagitan ng isang camera na nakahawak ng isang braso palayo sa mukha o nakatutok sa isang salamin, kaysa gumamit ang isang self-timer.’
Ang mga tao saanman, mula sa mga celebrity hanggang sa mga politiko, mga kabataan hanggang sa mga katandaan, ay nakisama sa pagkuha ng mga indibidwal o group selfies. Hindi kinakailangang masama kumuha ng isang litrato ng sarili, ngunit ang kultura na binubuo ng “selfie” ay tilang lalong hindi maganda. Sa lawak na kung saan ang ilang tao ay nais na makamit at ipakita ang isa sa mga ito, hanggang sa totoo at ‘virtual’ na kaibigan magkatulad, ito ay ganap na ‘di kapani-paniwala. Nang laging nag-aalala, kami ay nakakarinig hanggang ngayon ng isa pang nakakaawang kaluluwa na lubhang nasugatan o napatay sa paghahangad ng pagkuha ng isang selfie, sa pamamagitan ng pag-akyat sa ibabaw ng isa tren o kumakabit sa isang tulay saanman. Anong pagkaloko (at kalungkutan) ang magpapa-udyok sa isang tao na ilagay ang kanilang buhay sa panganib upang makakuha lamang ng isang temporal na snapshot ng kanilang sarili?
Ang nobela ni Oscar Wilde, The Picture of Dorian Gray, ay nagpapakita ng kalalabasan ng isang kaluluwa kung ang pagkahimaling sa pagpapaganda at katuparan sa sensual ay nakuha sa isang lohikal na extreme. Ang pisikal na kagandahan ni Dorian ay nakuha nang ganap sa isang ritrato ngunit sa pagkakaunawa niya na ang kanyang kagandahan ay lilipas, nagpasya siyang ibenta ang kanyang kaluluwa upang masiguraduhan na ang ritrato, sa halip na siya, ang tumanda at lumipas. Natupad ang kanyang hiling, at nagpatuloy si Dorian sa isang linya ng iba’t iba at masasamang karanasan; sa lahat ng panahon tumatanda ang ritrato at itinatala ang bawat kasalanang nagpaparumi sa kaluluwa. Nagtapos ang kwento kay Dorian na sinusubukang sirain ang ritrato, ang imahe ng kanyang karumaldumal at nabulok na kaluluwa, na nagmumulto sa kanya tulad ng konsensya.
Kung tingnan natin nang maigi ang buhay ng mga taong binayaran upang itaguyod ang kasinungalingan ng “Pag-ibig sa sarili”, nakikita natin kung gaano lang ito kasinungalingan talaga. Kadalasan ang buhay ng parehong mga taong ito ay malubhang malungkot, puno ng mga problema sa kasal, mga problema sa pinansyal, drug at alcohol abuse, depression at kahit na ang suicide. Ang Pag-ibig sa sarili ay nagdudulot sa isang patuloy na kalagayan ng espiritwal na kawalang-laman sapagkat ito ay imposible na punan ang kawalang-lamang iyon sa pamamagitan ng pagkahimaling sa Sarili, lalo na kapag ito’ na uugnay sa kung ano ang ating itsura or paano tayo dumating sa iba. Para sa sinumang nag-iisip, ang panlabas na kaanyuan ay nagbabago, naririto ng isang minuto at nawawala sa kasunod, kahit kung ito ay pinalakpakan at pinagnasaan ng ilang minutong nakaraan lamang.
Ang kailangan-kailangan ang mga tao (lalo na ang mga kabataan) na matandaan ay na ang karaniwan sa makamundong pilosopiya ng Pag-ibig sa Sarilia ay batay sa isang kasuklam-suklam na karayaan. Ang Pag-ibig sa Sarili na dumedepende sa external ratification at self-projection, bilang lumalaban sa intrinsic self-worth, ay hindi tunay na pag-ibig. Ang “Gintong Panuntunan”, na tinuro ni Kristo, ay na dapat nating gawin sa iba sa paraan na nais nating gawin nila sa atin. (
Matthew 7:12) Ito lang ang paraan upang makamit natin ang pagpapahalaga sa sarili. Kung wala ito, ang ating ‘Pag-ibig sa sarili’ ay panandalian, batay sa kawalan ng kapanatagan at, sa huli, paghamak sa sarili, kung saan hahayaan tayo na maramdaman na kapos at unfulfilled sa espiritwal.
Sa kanyang libro, ‘
Purity of Heart is to Will One Thing’, sinulat ni Soren Kierkegaard: “
... at each man’s birth there comes into being an eternal vocation for him, expressly for him. To be true to himself in relation to this eternal vocation is the highest thing a man can practise, and, as that most profound poet has said: “Self love is not so vile a sin as self-neglecting.” Then there is but one fault, one offence: disloyal to his own self or the denial of his own better self.”
Sa sipi sa itaas, tila hinihikayat ni Kierkegaard ang mambabasa na tumingin sa isang mas malalim na salamin, kung saan tumatayo tayo sa harap ng Diyos bilang isang indibidwal na ang camera ng kawalang-hanggan ay nakatutok sa atin. Ito ay nagbibigay ng isang bagong buong paningin sa sarili - ito ay ang pangangailangan na hanapin ang katotohanan tungkol sa sarili at ang ating dahilan para mabuhay. Ang saloobin ni Kierkegaard ay tulad sa pagtukoy ni Apostol Santiaga sa taong nagpakita ng kanyang mukha sa isang salamin at nakalimutan agad kung anong klaseng tao siya naging. (
James 1:23-4) ang pagiging totoo sa sarili ay pagtanggi na maging kasangkot sa mga superpisyal na pagpapahalaga ng mundo. Sa unang tingin ay nakakaakit ang mga pagpapahalagang ito, ngunit hindi magtatagal bago ipakita ang kasamaan nito.
Si Apostol Pablo ay gumamit ng isa pang analohiya sa salamin sa kanyang sulat para sa mga Corinto. Kanyang isinulat: ‘... Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.’ (
1 Corinthians 13:11-12) Ang ganap na pag-ibig ay mayroong integridad at ang integridad na ito ay nagbibigay inspirasyon sa espektador na tumingin nang higit pa kaysa sa panlabas na kaanyuan: ito ay nagdudulot sa atin na huwag maging “tagapakinig” lamang kundi isang “tagaggawa” sa katotohanan din. Ang “knowing and being know” ay nagsasalita rin tungkol sa pakikipag-ugnayan, sa pagitan ng pag-ibig at pagkilos, at ang interconnectedness sa pagitan ng mga tao, kung saan ang puso ng “Golden Rule”. Kung ang ating pag-ibig ay hindi naibahagi, kung ganun paano ito maaaring maging pag-ibig?
Sa Libro ng Pahayag, mayroon isang paglalarawan ng isang serpyente [ang diyablo] na naglalabas ng tubig mula sa kanyang bibig sa anyo ng isang baha upang subukang lunurin ang isang dalaga [ang Simbahan]. Ang daigdig ang tumutulong sa dalaga sa pamamagitan ng paghigop sa baha. Bilang resulta nito, galit na galit ang diyablo sa dalaga, at umalis upang makipag digma sa nalalabing mga anak niya, na mga sumusunod sa mga utos ng Diyos, at may hawak ng testimonya ni JesuKristo. (
Revelation 12:15-17) Ito ay kawili-wili - ang pagkatulad ng nailarawan sa Ang Pahayag, kung saan sinubukang patayin ang mga tao ng isang baha. Ito ay tila ganap na maaari na ang pagbahang ito ay maaaring kumakatawan ng isang baha ng mga kasinungalingan, kung saan nabibilang ang kasinungalingan ng Pag-ibig sa Sarili.
Alam ng diyablo (kilala bilang “Ang Ama ng mga kasinungalingan”) na maikli lang ang kanyang panahon (
Revelation 12:12). Sa pagitan ng mga linya ng nakikita at naririnig natin ngayon sa mga marketing slogan ng napakaraming huwad na propeta nabayaran ng sistema ng Hamilaw ay isang nakadedemonyong estratehiya upang baluktutin tayo laban sa ating sarili. Ito ay isang pagsisikap na gawin ang kapahamakan ng kaluluwa tilang kaligtasan. gayon din naman, si Jesus at ang ibang mga propeta ipinadala ng Diyos sa lahat ng panahon ay pinakita na ang tunay na pag-ibig para sa ating sarili sa eternal ay mabuhay ng pagsasakripisyo sa sarili sa temporal na mundo, inilalagay ang mga pangangailangan ng iba higit sa atin (
Luke 9:23-5;
Philippians 2:3). Kapag ginagawa natin ito, tayo ay napunan ng isang mabuting pag-uugali at maranasan natin ang bunga nito, pareho sa kasalukuyang buhay at sa kasunod.
Sa pagwawakas, ang pagiging mabuti sa sarili ay nangangahulugang paggawa ng kabutihan sa iba - isang bagay na gagawin natin nang mabuti upang sumasalamin sa kasunod na panahon na nahahanap natin ang ating sarili tumatayo sa harap ng isang salamin.