Nilikha: 01 Enero 2000
Lagi kong pinaniwalaan na ang pamumuhay sa isang komunidad (tulad ng ginagawa namin, at ng ginawa ng sinaunang mga Kristiyano) ay medyo opsyonal. Hindi ito iniutos (sa napakaraming salita) sa kung ano ang itinuro ni Jesus, kahit malinaw na siya at ang kanyang mga disipulo ay namuhay nang magkasama, lumakbay nang magkasama, at nagkaroon ng isang supot kung saan doon inilagay ang kanilang mga salapi. Matibay kong naramdaman ang tungkol sa mga espirituwal na mga benepisyo ng gayong pamumuhay; ngunit hindi ko lamang naisip na mayroong isang kaso na gawin itong lubusang esensyal.
Siyempre, ang konsepto ng pagkakaroon ng kahit dalawa or tatlong taong magkakasama kapag nagdarasal, kapag naglalakbay sa isang outreach, o sa anumang oras na inaasahan natin na makamit ang presensya ng Diyos (tingnan ang “Dalawang Saksi”) ay matibay itinuturo sa Bibliya, at kasama riyan ang mga turo ni Jesus. Sapagkat ang “dalawa o tatlong tao” ang kinakailangan upang magkaroon ng isang Kristiyanong komunidad, ang pamumuhay sa isang komunidad ng isang uri (kahit kung ito lamang ay pamumuhay sa Kristiyanong unidad kasama ng iyong asawa) ay isang mahalaga at pundamental sa Kristiyanong pamumuhay.
Nagiging mas mahalaga ang isyu kapag isaalang-alang ang sipi sa Hebreo, kung saan sinasabi na huwag talikuran ang pamumuhay nang magkasama. (
Hebrews 10:35) Ang pamumuhay nang magkasama ang kung ano ang ibig-sabihin talaga nang “pagtitipon nang magkasama”. Pansinin na ito ay patuloy na nagsasabi na kailangan nating intindihin nang mabuti ang instruksyon sa talatang iyon “lalo na habang nakikita mo ang araw ay papalapit na”. Sa ibang salita, habang papalapit tayo sa pagbalik ni Jesus, ito ay lalong magiging higit pang mahalaga para sa atin na “mamuhay nang magkasama”.
Kaunti itong nagpapakita ng isang kabalintunaan, sapagkat sinasabi rin ng Bibliya sa atin na ang institusyonal na simbahan ay patuloy na magiging higit pang apostata habang tayo ay papalapit sa pagbalik ni Jesus.
Halata na hindi nais namin na maging parte ng apostatang simbahan. Ngunit sinasabi ng babala na huwag rin maging parte ng mapanghimagsik na mundo. Ang anong gagawin ng Diyos sa mga susunod na ilang taon bago ang pagbabalik ni Jesus, ay pagsasamahin ang iba’t ibang mga “tribo”. Matagal ko na itong nalaman, at gayuman hindi ako kailanmang nag-angkin na isa ako sa mga tribong iyon. Sa katunayan, ako ay nagbala laban sa sinumang magsusubok na magtatag ng isang organisasyon ang pagkatapos ay tawagin itong bilang ang supernatural na pagsasama-sama na sinasabi sa atin ng Bibliya na mangyayari sa katapusan ng mga araw.
Ngunit huminto ako sa paniniwala na ang pagsasama-samang ito ay magiging anumang tulad sa mitikal na “lihim na rapture” na nalinlang ng mga simbahan na paniwalaan na mangyayari. Hindi ako naniniwala na ito ay isang bagay na mangyayari sa labas ng ating kalooban, at nang walang anumang pagsisikap sa ating parte. Ang kinakailangan para sa mga labindalawang tribo ng Ang Pahayag na magsama-sama ay eksakto kung ano ang kinakailangan upang sundan si Jesus, at ito ay isang magpakumbaba, masunuring pag-uugali, na labis na naghahangad para sa higit pang katotohanan.
Ipagpalagay natin na mayroon kang isang libong taong ganap na nawawala sa isang maze, at 90 sa mga tao ay wala talagang pakialam. Mayroong silang dalang mga baunan at nagpasya lang nila na umupo at mag-enjoy sa kanilang bakasyon. Ngunit mayroon sampung tao na desperadong nangangailangan na makalabas mula sa maze
Hindi ba natural na ipalagay na ang sampu na talagang naghahanap para sa solusyon ay magsasama-sama? Hindi ba mas mahahanap nila ang kanilang daan palabas kung imahagi nila sa isa’t isa ang kanilang iba’t ibang karanasan sa iba’t ibang aspeto ng maze? Hindi ba sila makikinabang mula sa isang pangkalahatang plano na magtatawag para sa iba pang na eksplorahin nang malawak ang iba’t ibang parte ng maze, at i-report ang kanilang mga natagpuan sa iba, hanggang maaari nilang mahanap ang kanilang malalabasan?
Kaya nakakamangha ito sa akin kapag nakakapagdaan ako ng iba pang tao na nagsasabi na sinusubukan nilang hanapin ang katotohanan. Ang ilan sa kanila ay nag-aamin din na tinulungan namin sila sa kanilang paghahanap. At gayunman napakarami sa mga taong ito ay nagpapakita ng kaunti o walang ipagkawili sa higit pang pakikisama. Hindi nila kami nilalapitan. Hindi sila nagtatanong na kami ay bumisita. Hindi nila tinutugon ang aming mga sulat. Sila ay lumakbay nalang nang solo.
Kung iyong tanungin sila, sasabihin nila sa iyo ang lahat ng mga argumento kung bakit hindi nila tayo kailangan. Mayroon sila mismo ng espiritu ng Diyos. Bawat isa sa atin ay kailangang hanapin ang Diyos sa ating sariling paraan. Wala silang pananampalataya nang mayroon tayo (o wala tayong pananampalataya na mayroon nila), atbp.
Sa ilang mga kaso ang mga taong ito ay nagkaroon ng pakikisama ng isa o dalawa pang tao, at sa batayang iyan madalas akong pumipigsi at sabihin, “Oh, well, nasa sa iyo ito. At least magkakasama kayo.” Ngunit sa paglipas ng mga taon, nakita ko na kahit ang mga team na hindi nahihigit sa isa o dalawang miyembro ay nabigo, at ngayon ako ay nagsisimulang mag-isip na ito ay dahil mayroong isang bagay na nagkamali sila sa una, nung na akala nila na ang kailangan nila lamang ay dalawa o tatlo. Ang pamumuhay sa isang komunidad ay maaaring magsimula sa isang bagay na kasing maliit sa dalawa o tatlo; ngunit hindi ito dapat tumigil diyan.
Ang problema ay hindi dapat tayo sumusubok para sa pinakakaunti. Ang isang tunay na naghahanap sa katotohanan ay nagnanais sa pinakamarami. Oo, hinding-hindi tayo magiging perpekto; ngunit hindi ito dapat ang naghahadlang sa atin sa paghahangad para sa perpeksyon. At kaya, ang error ay nariyan kapag pinangangatiwiran natin na hindi natin kailangan ng iba pang mga Kristiyano upang makarating sa langit. Gaano karaming pagnanais para sa katotohanan na mayroon natin kapag iyan ang ating ugali?
Ang tanong ay hindi dapat kung ang pamumuhay man sa isang komunidad-Kristiyano ay ang magbibigay sa iyo ng kaligtasan, ngunit kung makakatulong ba man o hindi ang pamumuhay sa isang komunidad-kristiyano na maging isang mabuting Kristiyano, at makatulong upang maging mas higit pang epektibo para sa Diyos. Malinaw na, hindi ito magiging madali minsan. Ito ang makakapag-apekto sa iyong pribasidad. Susubukan nito ang iyong katiyagaan. Ito ang magpipigil sa iyong kalayaan. Ngunit pagkatapos ng linggo, o pagkatapos ng taon, o pagkatapos ng iyong mga buhay, kailangan nating tanungin kung mag higit pa tayong nagawa man at mas higit pa taying naglago sa espirituwal sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang parte ng isang team, o mas may nagawa tayong higit at naglago tayo nang higit sa espiritwal sa pamamagitang ng pagawa ng ating sariling bagay at sa ating paraan.
Ang buong dahilan para sa panuntunan ng pagkakaroon ng “dalawa o tatlong” miyembro upang magsimula ay na ang isang taong solo ay hindi maaaring magiging masyadong isang saksi para sa pagmamahal ng Diyos. Sinabi ni Jesus, “Malalaman nila na kayo ay Kristiyano sa pamamagitan ng inyong pagmamahal.” (Juan 13:35) Ang “kayo” na pinapag-usapan niya rito ay hindi iisang tao. Ang “you” ay dapat maging sa pinakaunti dalawa o tatlong tao. Ito ay habang nakikita ng mundo ang ating pagmamahal sa kilos, sa pamamagitan ng araw-araw na sakripisyo para sa isa’t isa na alam nila na Kristiyano tayo.
Ngunit kung ang pagkakaroon ng dalawa o tatlong miyembro ay nagiging dahilan upang puwerahin ang mga numerong apat at lima, pagkatapos ang buong pormula ay nagiging balikuko at masama.
Nagkaroon ang simbahan ang kanilang mga huwad na Kristiyanong mga komunidad, kung saan ay tumatakbo ng mga negosyante at napupunan ng mga makasariling kambing na ganap na nagkukulang sa di-ganap na mga Kristiyanong biyaya, Ngunit hangga’t maipakita natin ang tunay na bagay, hindi malalaman ngmundko kung tungkol saan talaga ang Kristiyanismo (at saka, hindi natin rin malalaman!)
Paminsan may isang loose cannon ang pupunta sa bayan at imangha ang maraming tao sa kanyang mga pagka-kakatwa, o kasama ng mga ilang mapagpaimbabaw na pagpakita ng espiritwalidad; ngunit ang tunay na fellowship ng mga mananampalataya na handang literal na isakripisyo ang kanilang mga buhay para sa isa’t isa araw-araw at taon-taon, ay hindi maaaring isipin ng mundo hangga’t nagsimula nating isabuhay mismo.
Hayaan mo akong pag-usapan ang tungkol sa mga labindalawang tribong ito sa Ang Pahayag nang saglit. Wala akong anumang tagubilin mula sa Diyos tungkol sa kung paano sila magsasama-sama, o kung sino ang mamumuno alinman sa kanila. Ngunit mayroon akong tagubilin mula sa Diyos tungkol sa kung paano dapat mamuhay ang mga Kristiyano ngayon, ang ilang sa mga tagubili ay pate at parcel sa pagiging parte ng mga labindalawang tribo na iyon. Halimbawa, isa sa mga bagay na dapat ginagawa ng mga Kristiyano, ay na dapat nating inaayos ang mga hinanakit na mayroon sa pagitan natin, sa pag-ibig at sa katotohanan. Nariyan sa mga turo ni Jesus.
Ang sinuman nagsasabi sa akin na isinasagawa nila ang mga turo ni Jesus, at gayunman hindi nila nais na ayusin ang kanilang mga hinanakit kasama ng iba pang mga Krsitiyano na nagsasagawa sa mga turo ni Jesus, ay niloloko lamang ang kanilang mga sarili. At maaari kong i-aplay sa anumang direksyon na nais mo.
I-aplay natin ito sa mga simbahan. Ang sistema ng pag-aayos ng mga hinanakit ay nagtatawag sa atin na pumunta sa kanila kasama nang ating mga hinanakit tungkol sa kung ano ang hindi ginagawa nang tama. Sinubukan namin ito isagawa, at hindi nila tayo hinahayaan. Hindi namin sinasabi na kailangan nila sabihin na kami ay tama. Ngunit ang sinasabi namin na kailangan magkaroon ng isang mechanism para sa gayong hinanakit na ma-adres at makitungo.
Naroon sa mga turo ni Jesus. Inaasahan ko na kahit kung hindi nila tayo pinayagan na pumunta para sa isang hinanakit, magboboto pa rin sila laban sa amin sa huli. Ngunit hindi naman nila nais na pakinggan kami, sapagkat sa prossesso, ipapakita namin na hindi nila sinusundan ang mga turo ni Jesus (sapagkat sa una iyan ang aming hinanakit), at bakit kailangnan nilang hayaan ang kanilang mga tauhan na pakinggan kami na nagsasabi ng isangtulad na bagay tungkol sa kanula kapag ito’y halatang totoo, at kapag ang aming layunin ay halatang tama? Sapagkat ikinapopoot nila ang liwanag at tumatakbo mula sa liwanag, at dahil ang kanilang mga kagagawan ay masam, ginagawa nila ito sa atin tulad nang ginawa nila kay Jesus. Hinahangad nila kaming patahimikin nang hindi kami pinapakinggan. (
John 3:19-21)
Ngayon i-aply nating ang mga prinsipyo ng hinanakit sa mga iba’t ibang “independents” na nagsasabi na sinusubukan nilang bumalik sa katotohanan. Hindi ka namin ibabalik sa katotohan kung bawat isa sa atin ay nagiging batas sa ating sarili, bumubuo at iniiba ang mga panuntunan upang maayos sa ating sarili at ng ating makasariling mga gusto. Dapat ang bawat isa sa atin may kagaang-loob na “mahulog sa bato‘ ng mga turo ni Kristo at magkakadurug-durog sa mga ito. Bawat iniisip natin, salita, plano, at kilos ay dapat naayon sa mga turo ni Jesus. At sinasabi ni Jesus saatin na pag-usapan ang ating mga pagkakaiba, sa pamamagitan ng mga grievance meetings.
Sinasabi ng Bibliya, “Paano mo masasabi na mahal mo ang Diyos, na hindi mo nakikita, kung kinapopootan mo ang iyong kapatid, na iyong nakikita?” (
1 John 4:20) Ang ilan ay sasabihin na hindi kami “kinapopootan”; at gayuman tumatakbo sila mula sa pakikisama, at lalo na mula sa kaisipan na mamuhay kasama kami.
Kung nakagawa tayo ng isang bagay na mali, pagkatapos magkaroon ng lakas-loob upang kumuha ng isang grievance laban sa atin, at pagkatapos ay gawing publiko ang hinanakit (sa ilalim ng mga kondisyon kung saan kami at malayang mapapakinggan ang matugon sa kung anong charges na binubuo rin). Ngunit huwag maging masyadong hipokritikal na magkunwari na mahal mo kami kapag hindi mo maaaring gawin iyan.
Ang mensahe sa huling mga araw na ito ay para sa mga Kristiyano na talikuran lahat at mamuhay sa pananalig. Ngunit ito ay mahigit pa riyan. Ito ay na matuto tayong mamuhay sa komunidad. Hindi naman ito kailangan isagawa nang kasama kami; ngunit ito ay dapat maging sa isang komunidad na may kagaanang-loob na ayusin ang mga pagkakaiba sa atin. Kailangan nating tapusin ang pagsosolong ito na nakapaggawa sa mga ilang radikals doon ay para kay Jesus nagiging pangkalawakang inepektibong conversation pieces.
Si Jesus ay nagdasal na ang kanyang mga tagasunod ay maging isa, upang maniwala ang mundo. (
John 17:11) Ang mundo ay hindi mamamangha sa anumang gagawin natin nang solo. Hindi rin sila mamamanga sa politikal na gusaling imperial na nangyayari sa ngalan ng ekumenikalismo. Ngunit mamamangha sila sa isang buong mundong pakikisama ng mga tao na huminto sa pag-iwas mula sa katotohanan, at natutong na talikuran ang kanilang pagmamalaki kasama ang kanilang mga kayaman, reputasyon, plano, at ambisyon, upang magamit sila ng Diyos.
Sa pagitan ng kinatatayuan namin ngayon, at ikakatayuan namin kapag isasama-sama ni Jesys ang kanyang hukbo ng 144,000 ng tapat na espiritwal na mandidirigma ay naroon ang isang hindi natatagpuang dagat. Ngunit alam ko nang may kasiguruhan na saanman sa paglalakbay na iyon tayo ay lalayag sa isang napakakipot na daan na gumagawa ng mga demanda sa amin na ginagawa ng pamumuhay sa komunidad. Handa ka bang lumakbay sa mga tubig na iyon?
“Pumasok sa makipot na daan; sapagkat malawak at malaki ang daanan na humahantong sa pagkawasak, at marami ang nakakapasok dito. Sapagkat makipot and daan at maliit ang daan na humahantong sa buhay, at kaunti ang nakakahanap.” (
Matthew 7:13-14)