Click on the quote below to read the article...


Nilikha: 01 Enero 1992

Ilan sa amin ang pumipiga ng toothpaste mula sa gitna, at ang ilan ay pumipiga mula sa ilalim. Gusto ng mga pumupiga sa baba na sundin ng mundo ang kanilang halimbawa; ngunit ang mga pumipiga sa gitna ay nangangatuwiran na ang gayong pagkahumaling sa kaayusan ay lumalabag sa kanilang indibidwalidad na kusang-loob.

Kung ito ay isang bagay lang ng pagpipiga ng mga pumipiga sa baba sa mga gusot na ginawa ng mga pumipiga sa gitna, hindi ito magiging mahalaga sa anumang paraan. Ngunit ang mga gawi sa isang lugar ay madalas na sumasalamin sa kanilang sarili sa iba pang mga lugar; at ang mga pagpiga sa gitna ay maaaring mag-ugnay sa iba pang mga problema. Kailangan ng isang tao na alisin ang mga tinedor at kutsara sa pagitan ng mga stack ng maruruming pinggan, kayurin ang natitirang peanut butter mula sa garapon, at sa pangkalahatan ay makipagtulungan lamang sa paligid ng mga iba na kumukuha ng mga pinakamabuting piraso at sa mga gumagawa ng madadaling gawain.

Kung nahahanap mo ang iyong sarili na kumukuha ng pinakamabuti at iniiwan ang mga tira para sa iba (isang bagay na mas madalas na nangyayari kapag ang mga tao ay naninirahan sa komunidad tulad sa amin at ibinabahagi lahat mula sa mga tuwalya hanggang sa mga bisikleta) sa gayon maaari mong kailanganing ikonsidera ang mga ispiritwal na benepisyo ng pagiging maayos (hal. pagpipiga mula sa ilalim) pagkatapos ng mga iba nang paminsan-minsan imbis na laging iniiwan ang mga iba na mag-ayos pagkatapos mo.

Sinasabi ng Bibliya, "Hayaan ang lahat na gawin nang disente at maayos." (1 Corinthians 14:40) Ang maliliit na bagay tulad ng pagkakaroon ng lugar para sa mga gunting at lugar para sa mga tuwalya at lugar para sa mga panulat, at laging inilalagay ang mga ito sa kanilang lugar, ay talagang nagpapadali sa buhay ng mga susunod sa iyo.

Tinanggap ng mga Metodista ang kanilang pangalan sapagkat kilala sila sa pagiging maayos (o methodical) sa lahat ng kanilang ginagawa. Ngayon ay may malawakang paranoya sa mga iskedyul at pagsang-ayon; ngunit ang mga aklat-aralin tungkol sa pamamahala ng negosyo ay nagtuturo pa rin na ang mga bagay tulad ng mga badyet, mga kalendaryo, mga adyenda sa pagpupulong, atbp. ay ilan sa mga pinakamahalagang hakbang tungo sa pagpapatakbo ng isang mahusay na negosyo.

Ang isang mabuting lider ay natututong magtalaga ng mga gawain sa mga subordinates. Ngunit hindi ka maaaring magtalaga ng mga gawain na ikaw lamang ang nakakaintindi. Kapag mas maaayos mo ang mga gawain sa simple at malinaw na mga responsibilidad na maaaring madaling maintindihan ng sinuman nagsusubok sa mga ito, mas maaari mong italaga ang mga ito nang may kumpiyansa na ang mga ito ay magagawa, at mas masisiyahan ang mga taong itinalaga mo ng mga ito.

Isang halimbawa nito ang lubhang pinaghamak na linya ng pagawaan (assembly line). Sa kabila ng mga problemang naugnay sa mga paulit-ulit na gawain, mas gusto ng karamihan sa mga manggagawa ang mga trabaho na may obhetibo na masusukat na mga inaasahan na naugnay sa mga ito; at madalas na ganito ang mga linya ng pagawaan.

Ang isang napaka malawak na listahan ng mga responsibilidad nang walang malinaw na mga panuntunan sa kung paano ang mga ito ay dapat isakatuparan ay nagdudulot lamang ng kalituhan. Kahit na ang mga ehekutibo ay madalas na sumusuko sa tukso na gawin ang gayong mga simpleng trabaho, dahil lamang ang mga ito ay simple (at sa gayon ay mas kasiya-siya), sa halip na italaga ang mga ito sa mga subordinates.

Ang pagpapaharap sa lahat ng iyong pera sa parehong direksyon sa lalagyan ng pera o sa iyong wallet, na may maliliit na tala sa itaas at malalaking tala sa ibaba, ay maaaring mangailangan ng higit pang pagsisikap kaysa sa pagsuksok lamang ang lahat ng pera sa isang garapon; ngunit pagdating ng oras upang magtala (o gumawa ng mabilis na pagpapalit) ang mga benepisyo ay nagiging malinaw.

Sa parehong paraan, ang maayos na mga rekord sa pananalapi, isang malinis na mesa, malinaw na mga tala sa mga pulong ng negosyo, at isang up-to-date na bulletin board ay nagpapadali buhay mo pati na rin sa mga nakapaligid sa’yo.

Maaaring mas mahirap na makita ang punto sa pagkakaroon ng isang malinis na kwarto o hardin, mga medyas na nakasabit nang magkatabi sa linya ng damit, o magkatugmang mga upuan sa silid-pahingahan; ngunit kahit na ang mga ganitong uri ng mga detalye ay nagdadaragdag ng isang bagay sa kapakanan ng mga taong pumapasok sa iyong looban. Nararamdaman nila ang isang diwa ng kaayusan kahit na hindi nila ito mailagay ng pangalan.

Ang ibig sabihin ng "Babilonia' ay kalituhan. Inaasahan naming palitan ang Babilonia ng katahimikan ng kaharian ng langit. Maraming bumibisita sa amin ay nasa kalagayan ng kalituhan. Namumuhay sila sa tahimik na desperasyon. Sa gitna ng kanilang espirituwal na anarkiya ay maaari tayong mag-alok ng kanlungan ng kapayapaan na nagmumula sa paggawa ng bawat malilit na gawain nang "disente at maayos"... kahit hanggang sa kung paano natin pinipiga ang ating toothpaste!

(Tingnan din ang Anarchy and Pacifism, at Badyet, Iskedyul at Listahan ng Mga Gawain.)

Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account