Nilikha: 01 Pebrero 2003
Madalas kong narinig ang mga tao na nagrereklamo tungkol sa pagkain ng tira-tira. Ito ang nagpapaggulo sa akin, sapagkat sinasabi na parang may isang bagay na masama tungkol sa tira-tira. Ang pagkain na talagang masarap kagabi ay biglang nakakuha ng napakasamang reputasyon sa kinabukasan.
Marahil bilang isang reaksyon doon, nakabuo ako ng isang uri ng panghabambuhay na pagkahumaling sa pagkain ng tira. Napansin ko na ito ay isang pagkahumaling na umaabot sa napakaraming iba pang mga bagay. Ayaw kong makita ang anumang bagay na nasasayang, at napagtanto ko na karamihan sa mga tao ay may pag-ayaw sa paggamit ng mga tira-tira, mga naiwan, mga tirang kahoy, ang huling unting dami sa ilalim ng garapon, atbp. Kaya kapag mas maraming maliliit na piraso na maaari kong ilagay sa mabuting paggamit, mas nasisiyahan ko.
Ang isang karagdagang benepisyo ng paggamit ng tira-tira ay ang kalinisan... at maging ang hitsura ng yaman. Ang ref ay may higit pang espasyo para sa mga punong bote ng gatas at buong karton ng mga itlog. Sa halip na kalahating dosenang garapon na may kaunting jam sa ilalim ng bawat isa, mayroong isang halos bago, halos puno na garapon.
Ang basura ay nare-recycle, habang ang pinakamahusay na mga gamit ay maaaring magamit para sa iba, o ibenta.
Mayroong ngang tira-tira pagdating sa mga gawain. (Hindi ako ganoong kagaling dito, ngunit si Cherry ang bumabawi para sa akin dito.) Karamihan sa mga tao ay lumalayo mula sa isang gawain na may ilan pang hindi natatapos na mga bahagi, samantalang tinatapos ng mga taong mahilig sa tira-tira ang mga hindi tinapos ng mga iba. Itinatago nila ang mga kagamitan, pinupunasan ang sahig na medyo maputik, kuskusin ang natitirang dumi sa bathtub, dinadampot ang maruruming damit, at karaniwang naglilinis lang sa likod ng mga kumukuha ng madadaling bahagi ng gawain at pagkatapos ay iniiwan ang natitira upang tapusin ng iba.
Kadalasan ang pagtatapos ng tira-tira ay sobrang nakakapagod, lalo na sa isang mayaman na lipunan. Saanman ay may tira-tirang nakakalat na mga istante, silid, at paligid. Saanman may mga gawain na di-tapos, dahil may isang bagong interes ang nakakuha sa atensyon ng taong gumagawa nito.
Ako’y sigurado na ituturing di-kailangan ng ilang tao ang aking isinusulat dito; ngunit naniniwala nga ako na mayroon isang mahalagang espiritwal na leksyon dito, tungkol sa pagiging tapat sa maliliit na bagay sa harapan ng Diyos ang maaaring bumuo sa atin na maging pinuno ng malalaking bagay.
Sinabi ni Santiago, sa kanyang sulat, “Mahiya kayong mayayaman, sapagkat bulok na ang mga kayamanan n’yo at kinain ng mga gamu-gamo ang inyong mga damit. Ang inyong mga ginto at pilak ay kinakalawang na, at ang kalawang ding iyon ang magiging patunay laban sa inyo at parang apoy tutupok sa inyong laman. Nag-impok kayo ng kayamanan para sa mga huling araw.” (
James 5:1-3)
Kung sa tingin natin na mayaman tayo o hindi, kung mayroon tayong higit pang mga pag-aari (o higit pang mga gawain) kaysa sa maaari nating panatilihin, sa gayon kailangan nating magbawas. Iyon ay maaaring mangahulugan ng paglilinis, pag-aayos, paggamit, o simpleng pagbibigay o pagtatapon ng mga kinakalawang na piraso, ang mga bagay na kinain ng mga gamu-gamo, ang inaamag na mga piraso, ang mga makalat na piraso, at ang mga natirang piraso. Pagdating sa mga gawain, kailangan nating ayusin ang ating mga priyoridad, at siguraduhing natapos na natin ang mga pinakamahalagang bagay bago tayo magsimula sa paggawa ng ibang bagay. Dapat nating maiharap ang bawat natapos na gawain sa Diyos bilang isang pag-aalay ng papuri, isang bagay na masasabi natin nang may kumpiyansa na natapos at least malapit sa kasakdalan. Wala ng mga bahagi na hindi natapos, walang bagay natitira para tapusin ng iba para sa atin.
Gustung-gusto ko ang isang natapos na gawain, kahit na ito ay ang pag-uubos lamang ng pinakahuling laman ng garapon ng mayonesa, o ang paglalagay ng mga huling detalye sa isang larawan. Ngunit napakaraming mga gawain na hindi natatapos sa mundo, kaya't nananalangin ako dumami pa ang gayong mga manggagawa.
Tingnan din ang
Liberated Poverty, Part 2 (Clutter)