Click on the quote below to read the article...

Nilikha noong Hulyo 01, 1999

Ang ganitong uri (ng demonyo) ay hindi lalabas, maliban sa pamamagitan ng pagdarasal at ng pag-aayuno. (Matthew 17:14-21).

Ang sitwasyon sa kwentong ito mula sa Matthew 17 ay na ang ilan sa mga disipulo ay nakakita ng isang batang lalaking sinapian ng isang demonyo, at sinubukan nilang palayasin ang (mga) demonyo mula sa kanya. Hindi nila nakayanan upang gawin ito. Si Jesus ay nabigo sa kanila, at sinabi na ang kanilang problema ay dahil sa sila’y nagkulang sa pananampalataya. Nagpatuloy si Jesus na sabihin na kung mayroon silang pananampalataya, maaari nilang maiutos ang isang bundok na lumipat mula sa kinatatayuan nito, at tumalon sa dagat! At nagtapos siya sa pagsasabi na ang uri ng pananampalatayang na hinahanap ay hindi manggagaling nang walang pagdarasal at pag-aayuno.

Sa artikulong ito papag-aralan natin ang mga kamalian sa tradisyunal na pag-unawa sa pag-aayuno pati rin sa tradisyunal na pag-unawa sa pananampalataya.

Ang tradisyunal na ba ng paraan sa pag-aayuno ay isa sa ganap na abstinensya sa loob ng isang maikling panahon, na kasunod ng isang mas matagal na panahon kung saan hindi naman tayo nag-aayuno. Ang tradisyunal na paraan ng pag-aayuno ay isang bagay na kinakailangan gawin nang ganap o hindi ito magagawa. Hindi ako gaanong tiyak na kung ito ba ay isang tamang pag-unawa sa kung ano ibig-sabihin ng pag-aayuno.

Sa paghahambing sa kanyang sarili mismo kay Juan Bautista, pinuna ni Jesus na karamihan sa mga tao ay nakikita kay Juan bilang isang taong malubhang mag-ayuno at si Jesus bilang isang malubhang kumain. At gayunman nung hindi mapalayas ng kanyang mga alagad ang masamang espiritu mula sa batang lalaking ito, sinabihan sila ni Jesus na ang tunay na problema ay sa kakulangan ng pananampalataya, na nagsanhi sa kakulangan ng pagdarasal at pag-aayuno.

Mula sa pagsasabing ito, tila na si Jesus mismo ay dapat na nag-ayuno. Makatuwiran na ipagpalagay na hindi niya ipapagsabihan sila sa hindi pagtupad na gawin ang isang bagay na nabigo niya gawin mismo.

Maaaring si Jesus ay gumawa ng ilang pag-aayuno, iyon ay lubusan na lumilipas sa mga kainan paminsan-minsan. Ngunit tandaan na tinuruan niya rin tayo na mag-ayuno nang lihim. Napakakaunti ang kanyang pribasidad na halos hindi magiging posible para sa kanya na maglipas ng ilang buong kainan nang hindi nalalaman ng mga tao. Kaya posible na ang kanyang pag-aayuno ay may kasamang pagkain ngunit mas kaunti kaysa sa gusto niya.

Sa ibang salita, siya ay “nag-ayuno” sa paraang hindi napapansin ng iba sa paligid niya… sa pamamagitan lamang ng pagkain ng kaunti, o sa paglipas ng isang bagay na nakakapagtukso, para sa isang bagay na hindi gaanong masarap. At sa palagay ko ay na natutunan niyang makinig sa Diyos tungkol sa kung gaanong karami ang kakainin sa bawat kainan.

Ang mahalaga sa ganitong uri ng pag-aayuno ay ito ay nagtuturo sa atin ng personal na pananagutan. Sinabi ni Pablo sa mga taga-Tesalonica na “manalangin nang hindi tumitigil”. (1 Thessalonians 5:17) Sapagkat tila na may koneksyon sa pagitan ng pagdarasal at pag-aayuno, maaari kailangan nating mag-ayuno nang hindi tumitigil din.

Sa Luke 2:37 nababasa natin ang tungkol sa isang 84 taong gulang babaeng balo na nag-ayuno at nagdasal nang walang tigil. Siya rin, dapat nagsagawa ng isang uri ng pag-aayuno na hindi nangangailangan sa kanya na ganap na maglipas ng pagkain. Tila tinataguyod ni Pablo ang parehong paraang ito nung nagsulat siya sa mga Taga-Corinto: 'Kumain kayo man o uminom,' sinabi niya, 'o anumang gawin n’yo, gawin n’yo ito lahat sa kaluwalhatian ng Diyos.' (1 Corinthians 10:31)

Ang ideyang ito ng pag-aayuno nang hindi tumitigil (tulad ng konsepto ng pagdarasal ng hindi tumitigil) ay magdadala sa atin palayo sa relihiyosong paraan ng “lahat o wala” sa ating kaugnayan sa Diyos. Kinakailangan sa atin nito na maging masunurin agad sa mga maliliit na detalye ng ating buhay, at palaging makikipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay kumokontra sa pagtingin sa ating relasyon sa kanya bilang isang bagay na nagawa na natin sa isang solong ritwal sa nakaraan.

Ang paraang ito ay hindi dapat kunin bilang nangangahulugang na ang taong kaunting kumain ay ang pinaka espirituwal. Sa halip, maaari itong humantong sa ilang mga tao na maging mas liberal tungkol sa kanilang kinakain.Ang kanilang 'pag-aayuno' ay maaaring mangailangan sa kanila na kumain ng ilang mga bagay na dati nilang kinatakutan na kainin. Ang mga Anorexics, halimbawa, ay matututong kumain nang higit pa, at ang mga bulemics ay matututong kumain ng mas kaunti. Ang pag-aayuno nang walang tigil ay hindi kailangang magpahiwatig ng kabuuang pagtanggi sa sarili. Ang talagang ipinahihiwatig nito ay ang buong pagsunod lamang.

Ang paghihingi ng patnubay sa Diyos patungkol sa lahat ng ating kinakain ay maaaring makatulong sa atin na magkaroon ng higit na pasasalamat sa bawat kagat ng pagkain na ibinibigay sa atin ng Diyos. Maari talaga tayong 'kumain at uminom sa kaluwalhatian ng Diyos' sa pamamaraang ito, pati na rin ang pagiging bukas sa kanyang mga tagubilin kapag nais niya tayong huminto.

Ngayon iugnay natin ang paraan nang pag-aayuno sa problemang mayroon ng mga disipulo na hindi maalis ang demonyo sa batang lalaki. Pinagsabihan sila ni Jesus dahil para sa kanilang 'kawalan ng pananampalataya'. Ang ating natural na tugon diyan ay magpalagay na dapat mag kunwari pa sila, sumisigaw pa sila sa mga demonyo at mag-angkin' ng isang tagumpay kahit na ang ebidensya ay tila nagpapahiwatig ng pagkabigo.

Ito ang tradisyunal na pamamaraan ng Pentecostal sa mga ganitong bagay. Ngunit ito ay higit nakabatay sa kakulangan ng pananampalataya kaysa sa anumang tunay na pagpapahayag ng uri ng pananampalatayang hinahanap ni Jesus. Ang pananampalatayang hinahanap niya ay matatagpuan lamang sa pamamagitan ng madalas na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Sinsasabi ni Jesus na hindi mo mapapalayas ang mga demonya batay sa iyong teolohiya, o batay sa ilan iba pang pahayag ng doktrina.

Ang mga disipulo ay, sa sitwasyong ito, nakarating sa tamang konklusyon, iyon ay na dapat nilang palayasin ang demonyo mula sa batang lalaki. Ngunit hindi nila ito narating sa batayan ng personal na tagubilin mula sa Diyos, kaya nakulangan sila supernatural na kapangyarihan na talagang gawin kung ano ang pinaniwalaan nilang tamang gawin. Naisipan nilang i-atake ang demonyo batay sa ganap na pangangatuwiran ng tao: Ang bata ay nasapain; at nais niyang mailigtas; at ang kanyang mga kamag-anak ay pumunta upang humingi ng tulong. Kaya agad silang kumilos, sa pagsisikap na matupad ang mga inaasahan ng mga tao.

Ngunit may isa lamang paraan upang gumawa ng anumang supernatural, kung ito man ay sa paggalaw ng mga bundok patungo sa dagat o sa pagpapalayas ng mga demonyo mula sa mga tao, at iyon ay gawin ito dahil sinabi sa’yo ng Diyos na gawin ito. Malamang, kung ikaw ay hindi madalas nakikipag-ugnayan sa Diyos, kung gayon ay hindi mo malalaman kung anong gagawin. Ikaw ay magkukunwari… at mag-aasa na ipagtatanggol ka niya kung nagkamali ka sa anumang ang sasabihin niya sa iyo kung kinuha mo lang ang oras upang magtanong at makinig.

Dahil sa ating tradisyunal na maling pangunawa sa pananampalataya, ipinapalagay natin na ang dakilang pananampalataya ay maaaring makagawa sa atin ng mga kamangha-manghang himala. At dahil wala sa atin ang makakapaggawa ng mga kamangha-manghang himala, bawat isa sa amin ay lihim nararamdaman na nabigo kami. Nagiging takot kami sa mga manloloko at sa mga huwad, at natutukso kami na gayahin ang kanilang mga huwag na himala. Ngunit hindi ito ang sagot. Ang kamalian sa pamamaraang ito ay itinatanaw nito ang pananampalataya sa mga tuntunin ng ating mga sarili at ng himala, imbis na ituon ang atensyon sa atin mga sarili at sa Diyos.

Ang mga himala ay resulta ng pananampalataya, at ang pananampalataya ay may kinalaman sa Diyos, hindi sa mga himala. Sinabi ni Jesus na kapag tayo’y mayroong pananalig sa Diyos, magagawa natin lahat ng sinasabi niya na gawin natin. Kung sinabi niya na lumipad o magsagawa ng eksorsismo o iutos sa mga bundok na maitapon sa dagat, ito’y ay hindi hihigit na mahirap kung sinabi niya na yumuko at pulutin ang isang piraso ng papel. Anumang sabihin niya sa atin na gawin, bibigyan niya tayo ng kakayahan na gawin. Ang desisyon ay nasa sa kanya, at ang paraan upang maisakatuparan ito ay kanyang responsibilidad.
Kapag may nabuo natin ang malalim na ugnayan na ito kay Kristo sa mga maliliit na bagay (tulad ng pagkain at pag-inom), at kapag napag-aralan natin na maging tapat sa pagsasagawa ng mga gayong bagay “nang hindi tumitigil”, ang lahat ng mga dakilang bagay na hinihiling sa atin ng Diyos ay malulutas nang kanilang sarili. Hindi ito mamumukhang dakila kapag ang mga ito ay kasing karaniwan sa pagpapasya kung tutulong ulit tayo sa paggawa ng mashed potatoes. Ang masunuring alila ay gagawin lamang niya ang kanyang tungkulin, at ang himala simpleng matutupad, sapagkat ang mga ito ay nagresulta sa desisyon ng Panginoon, at hindi nagresulta sa ating sariling gusto o pangangatuwiran,


(See also miracles)


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account