Nilikha: Hulyo 01, 2001
Wala talagang masama sa ano ang sinasabi ng “panalangin ng makasalanan”, kahit na madalas namin itong supilin noong nakaraan. At ang pagkuha sa mga tao na talagang sabihin ang mga bagay na nasabi sa panalangin ng makasalanan ay isang napakabuting ehersisyo. Hinihiling ko lang na maaari nating kuhanin sila na tuluyang sabihin ang mga bagay na iyon. Ang aming reklamo tungkol sa panalangin ay kadalasang madalas ito ginagawa nang isang beses, na nagpapalaya sa mga tao mula sa patuloy na paglago sa kanilang pananampalataya.
Ang kaisipan na nais kong ipahayag sa artikulong ito ay ang ating pangangailangan na gawin nang ganap kung ano ginagawa ng mga tao kapag sinasabi nila ang panalangin ng makasalanan. Naglalagay sila ng mga salita sa isang bagay na maaaring madaling pumasa ng ilang sandali lamang sa kanilang isip, at pagkatapos ay mawala. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga salita sa isipan, ang mga ito ay magiging mas tapat sa kung ang maaaring madaling mawala. Kung ikaw ay nagsisisi sa isang ibgay, huwag lamang magsisi. Sabihin ito; at habang ginagawa mo ito, humingi ng tawad. Kung nais mong sundin si Jesus, huwag mo ipalagay na ang wishful thinking ang magiging dahilan upang iyong gawin iyan. Sabihin ito, sa kanya at sa mga iba. At kung mapagtanto mo ang iyong pangangailangan para sa tulong niya, ay sabihin iyan din, at ipakita mo ang iyong pagnanais na makipagtulungan sa kanya habang sinusubukan niya na tulungan ikaw sa iyong espirituwal na paglalakbay.
Sinasabi na ang daanan patungong impyerno ay puno ng mga mabuting hangarin. Minsan ang unang hakbang upang matupad ang mga mabuting hangarin na iyon ay para sa atin na sabihin ang mga mabuting saloobin na iyon; at kapag ginawa natin ito sa pamamagitan ng pagdarasal, ito ay magiging sangkap na bumubuo sa ating kaugnayan sa Diyos.
Ang simpleng pagsasabi na, “Panginoon nais kong gawin ang tamang bagay. Mangyaring tulungan mo ako” ay may paraan na gawin tayo mas tapat sa pagsasagawa sa kung ano man ay maaaring maging walang iba kundi mga mabuting hangarin. At ang regular na pagsasabi nito, araw-araw man o bawat oras, ay magkakaroon ng mga positibong epekto sa iyong pamumuhay.
Gumagana ang prinsipyong ito sa iba pang panig ng buhay rin. Halimbawa, maaari akong magkaroon ng maraming positibong isipan tungkol sa mga kaibigan at mga kamag-anak, ngunit kung wala akong nagagawa upang ipakita ang mga ito, dudusa ang relasyon dahil dito. Kung mayroon kang positibong isipan tungkol sa isang tao, ito ay magiging sampung beses na epektibo kung sinabi mo lang ito. Iyan ang nagpapatibay sa mga isipan ninyong pareho na talagang pinahahalagahan mo ang tao, at na inaadhika mo na magkaroon ng isang mabuting pakikipag-ugnayan. Kapag ikaw ay masungit, o kahit kapag mayroon kang balidong kritisismo na ibibigay, napakalayo ito na magiging gaanong mapanganib ang relasyon kung naipahayag mo na ang iyong mga positibong saloobin sa parehong mga tao.
At ang pareho ay totoo pagdating sa ating kaugnayan sa Diyos. Ako sa personal ay hindi alam nang anumang nahihigit na panalangin maliban sa isa na dinasal ni Jesus sa Garden ng Gethsemane, nung sinabi niya, “Mangyari nawa ang kalooban mo.” Bawat oras na nag-iisip ako ng isang bagay na ihingi mula sa Diyos, napagtanto ko na walang iba pa ang mahalaga nang kalahati higit sa na matupad ang kalooban ng Diyos. Alam niya kung ano ang ikabubuti sa akin, at sa huli ito ang aking nagugusto. Ngunit pagkatapos mong ipanalangin ang parehong panalangin nang isang libong beses, madaling isipin na kahit iyan ay hindi kailangan sabihin. “Alam ng Diyos ang aking puso,” sabi natin, at dahil dyan, maaari tayong magtapos sa pagpapalagay ng katotohanang iyon na nais natin na ang kalooban ng Diyos ay magawa sa ating buhay.
Ang pagtalikod mula sa Diyos ay nagsisimula kasama ng isang patatalikod mula sa ating buhay ng pagdarasal. Tumigil tayo sa pagsasabi nito, at hindi tatagal bago tumigil tayo sa pag-iisip nito, at sa huli hindi na ito ang ating hinahangad, dahil tayo ay naging punong-puno sa ating sariling kalooban and punong-puno sa paggawa para sa ating sarili na ang Diyos ay hindi hihigit sa isang salita sa isang libro.
Kaya kahit sinabi mo ito nang napakaraming beses noon, patuloy mo itong sabihin ito. “Mangyari nawa ang kalooban mo”. At habang dinadasal mo ito, maaari mong sabihin na ang natitirang bahagi ng Ama Namin. Kapag ginawa mo, matatagpuan mo na ang Ama Namin at ang Panalangin ng Makasalanan ay magkapareho… maliban na ito ay higit na nakakatanggap para sa mga tao na patuloy sabihin ang Ama Namin.
Ang pagbigkas ng Ama Namin ay maaaring maging isang walang katuturang ritwal, at walang alinlangan na ito ay para sa karamihan. Ngunit akin natagpuan sa mga nagdaang panahon na naglalaman ito ng lahat na pinaka-nais ko at kailangan sa aking Kristiyanong paglalakad. At gayunman kung hindi ko sinasabi ang mga bagay na iyon kahit araw-araw man lamang, lalaho ang mga ito mula sa aking atensyon, at maaari ako magtutuon and higit pang kasangkot sa mga bagay na higit na maliliit. Hindi ko madalas sinasabi ang eksaktong mga salita mula sa Ama Namin kapag ako’y nagdarasal, ngunit ginagamit ko ito bilang balangkas.
“Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo.” Nais mo ba ang Diyos na maisamba at maiparangal? Mahal mo ba siya nang sarili mo, at sinasamba siya? Pagkatapos ay sabihin ito sa kanya bawat araw. Nais niyang marinig na sinasabi mo iyan.
“Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob ang loob mo dito sa lupa tulad nang sa langit.” Nais mo ba gustuhin ang kalooban ng Diyos… sa iyong buhay at sa mga buhay ng iba? Pagkatapos ay sabihin ito, at ito ang magagawa sa iyo mas matulungin sa mga paraan na maaari kang sumunod sa kanyang kalooban at mag-ambag sa pagbubuo ng kanyang kaharian. Walang mas mahalaga sa iyong buhay at ang buong kasaysayan ng sangkatauhan kaysa sa pagbuo ng walang hanggang kaharian ng Diyos ng pagmamahal at pananampalataya.
"Bigyan mo kami ng kakanin sa araw-araw." Iyon ang linya na pinakamadaling maiiwan sa aming mayaman na lipunang Kanluranin. Ngunit kung mayroong anumang tunay na pisikal na mga pangangailangan na mayroon ka, kailangan ang mga ito ilagay sa harap ng Diyos at harapin ang kaalaman na kinokontrol niya ang iyong buhay. Nauna ito sa pamamagitan ng isang panalangin para sa kalooban ng Diyos higit sa lahat, hindi mo kailangang matakot na manghingi kung mayroon kang isang pangangailangan. Sabihin lang ito, at alamin na kapag ginawa mo, naririnig ito ng Diyos.
"Patawarin mo kami sa aming mga pagkakasala habang pinapatawad namin ang mga nagkakasala sa amin." Lahat tayo ay nangangailangan ng patawad bawat araw, habang patuloy tayo nababagsak sa ating buong potensyal. Lahat tayo ay nangangailangan ng higit pang pagmamahal para sa iba rin. Kung talagang nais mo ang mga bagay na iyon, huwag maging tamad na sabihin ito. At sa pagsasabi nito tulad ng ipinahayag dito, pinapaalalahanan tayo nito ang ugnayan sa pagitan ng ating pagmamahal para sa iba at ng pagmamahal ng Diyos para sa atin. Ito ay isa sa mga pinakamahusay na paalala sa mundo upang tayo’y makumbaba mula sa sinasabing religious superiority.
“Huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, ngunit iadya mo kami sa lahat ng masama.” Hindi ko maaakalain na sinumang nagtatalikod mula sa Diyos kung masabi lang nila (nang taimtim) ang mga salitang iyon bawat araw ng kanilang mga buhay. Ang Diyos ay matapat na tayong manatili sa tamang landas kapag naisip natin na mas nakakaalam tayo higit sa Diyos, at nagsimulang gamitin ang makataong pag-iisip at mga tivial na pangangatwiran para sa pagkakasala sa isang panig ng ating buhay. Kung nais mong gawin kung ano ang tama, pagkatapos ay sabihin ito, at sabihin ito nang paulit-ulit. Kilalanin ang iyong pangangailangan para sa tulong ng Diyos upang manatiling ikaw matapat, mapagkumbaba, at mapagmahal. Ang mga naghahangad para sa paggawa sa kung ano tama ay gagawin ito… sa kondisyon na sila’y patuloy na humihingi ng tulong sa Diyos.
“Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan magpakailanman.” Natapos na tayo agad sa kung saan tayo nagsimula, at iyon ay ang pagbibigay puri sa Diyos. Ngunit sa partikular, tayo ay ipinalahanan na ang Diyos ang nagkokontrol sa lahat, at ang Diyos ay ang dapat na bigyang puri sa lahat ng mabubuting bagay sa ating mga buhay. Kung naniniwala ka dyan, pagkatapos ay sabihin ito, at kapag ginawa mo, matatagpuan mo ang iyong sarili sa eksaktong tamang posisyon upang magamit ka ng Diyos.
(Tingnan din: Our Father, Thy Will Be Done, Thy Kingdom Come, at As We Forgive Others.)