01 Enero 1983
Ang ating oras ay ang ating buhay. Kapag binigay mo ang iyong oras sa isang tao o bagay, ibinibigay mo ang iyong buhay. Kapag nagsasayang ka ng oras, sinisira mo ang iyong buhay. Kapag ginamit mo nang maayos ang oras, ginagamit mo nang maayos ang iyong buhay.
Ang Diyos ay nagbibigay ng buhay, ngunit sinusubukan ng diyablo na sirain ang buhay. (
John 10:10) Sinabi ng Diyos kina Adan at Eva na mamamatay sila kung suwayin nila siya. (
Genesis 2:17) Ngunit pagkatapos kainin ang prutas na sinabi ng Diyos na hindi nila dapat kainin, hindi sila huminto sa paghinga. Ang nangyari ay huminto sila sa pamumuhay sa ganap na buhay na binuhay nila bago nila sinuway ang Diyos. Pagkatapos nilang suwayin ang Diyos, ang kanilang buhay ay kontrolado ng takot. (
Genesis 3:16-19) Ikinakatwiran ng diyablo na hindi ito kamatayan. (
Genesis 3:4) Ngunit hindi ito ang ganap na oras na gusto ibigay sa atin ng Diyos. (
John 10:10)
Sa maraming paraan, ang pagtulog ay parang kamatayan. (
1 Corinthians 11:30) Kapag natutulog tayo, hindi natin naiisip ang oras. Halos lahat tayo ay huminto sa paggalaw at pag-iisip. Napakahalaga para sa atin na magkaroon ng kaunting tulog, dahil ito ang panahon kung kailan inaayos ng Diyos ang maraming bagay sa ating diwa at sa ating pag-iisip. Pagkatapos ng mahimbing na tulog, dapat ay makapagtrabaho na tayo at makapag-isip na nang mas maayos. Ngunit ang mga taong walang dahilan upang mabuhay (tingnan ang Pag-aaral Upang Makita, Unang Bahagi) ay madalas na ayaw huminto sa pagtutulog. (
Proverbs 21:25) Kung mabibigyan natin ang mga taong ito ng dahilan para mabuhay, maibabalik natin sila mula sa kamatayan. (
Ephesians 5:14)
Binigyan tayo ni Jesus ng dahilan upang mabuhay. Ipinapakita niya sa atin kung paano nais ng Diyos na gamitin natin ang ating oras. Dahil dito, hindi na natin gustong itapon ang pinakamaliit na bahagi ng panahon na natanggap natin mula sa Diyos. (
Ephesians 5:15-16)
Ang unang hakbang sa paggamit ng iyong oras nang mabuti ay ang makinig sa Diyos. (
Ephesians 5:17) Kung may ginagawa ka, ngunit hindi mo alam kung bakit mo ito ginagawa, hindi ka lubusang buháy. (
Romans 14:23) Ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat makatulong sa iyo na maging mas malapít sa Diyos. (
Colossians 3:17, 23) Matututo tayong makinig sa Diyos sa lahat ng oras (kahit sa ating pagtulog). ( I Tesalonica 5:17 ) Kung hindi mo alam kung ano ang nais ng Diyos na gawin mo, dapat mong tanungin siya, at sasabihin niya sa iyo. (
James 1:5) Kung gagawin mo ito, at kung gagawin mo ito sa lahat ng oras, maaari mong marinig ang Diyos sa anumang oras. Kapag natutulog ka, makikinig ka sa Diyos, at sa iyong pagtulog malalaman mong kasama mo ang Diyos. Kung minsan, kakausapin ka ng Diyos sa isang espirituwal na panaginip. (
Acts 2:17)
Maraming paraan ang diyablo upang sirain ang ating buhay. Maaari niyang sayangin ang ating oras sa pamamagitan ng paghikayat sa atin na gumamit ng mga droga na magpapatulog sa ating isipan. (
Ephesians 5:18-19) Maaari niyang sirain ang ating oras sa pamamagitan ng paggawa sa atin na maging hangal. (
Proverbs 19:3)
Karamihan sa mga tao ay tinatapon ang halos buong buhay nila, sa pamamagitan ng paggugul nito sa takot... takot na mawalan pera... takot sa kung ano ang iniisip ng ibang tao sa kanila... takot na magutom... takot na mamatay. Ginagamit nila ang kanilang oras para magtrabaho para sa pera dahil sa mga takot na ito. Hindi sila malaya na gawin ang nais ng Diyos na gawin nila dahil natatakot sila na sasabihin ng Diyos na gawin nila ang isang bagay na maglalayo sa kanila sa diyos na talagang pinaglilingkuran nila, at iyon ay Pera. (
Romans 6:16) Ang pagtatrabaho para sa pera ay nagdudulot sa kanila ng kamatayan; ngunit ang pagtatrabaho para sa pag-ibig ay maghahatid sa kanila ng buhay na walang hanggan. (
Romans 6:23;
Luke 16:13)
Maaaring sirain ng diyablo ang ating oras sa pamamagitan ng paggawa sa atin na isara ang ating mga isip at sa pamamagitan ng paggawa sa atin na maging lutang. Ang ilang mga tao ay gumagawa ng relihiyon sa ganitong paraan ng kamatayan. Gaya ng pagtulog, mabuting magpahinga; ngunit ang dahilan ng pagpapahinga ay upang ikaw ay mabuhay, at hindi ang kabaligtaran.
Hinihikayat ng ilang Pentecostal ang mga tao na isara ang kanilang mga isip at bumagsak sa sahig. Tinatawag nila itong "namamatay sa espiritu". Ito ay isang magandang pantawag, dahil ito ang nangyayari sa kanila. Ang hindi nila naiintindihan ay ayaw ng Diyos na mamatay ang mga tao; ang diyablo ang gumagawa niyan. Kapag ang mga tao ay gumawa ng isang relihiyon sa pamamagitan ng pag-sara sa kanilang mga isip, sila ay patuloy nagiging mas nababaliw sa lahat ng kanilang pag-iisip. (
Romans 1:28)
Maaaring mahirap gisingin ang ating mga isip, at bumalik sa katotohanan. Ang diyablo sa loob natin ay lumalaban dito. (
Luke 8:28) At ang nababaliw mundo sa paligid natin ay natatakot sa isang taong hindi nababaliw tulad nila. (
Luke 8:35-37) Pero kung hihilingin natin sa Diyos na tulungan tayo, tuturuan niya tayo kung paano gamitin ang ating isip para sa kanya. (
2 Timothy 1:7) Ang ating isip ay maaaring “mapanganak muli”. (
Romans 12:2) Kapag nangyari ito, makikita natin nang malinaw ang mga pangangailangan ng mga tao sa ating paligid. Susubukan nating gamitin ang bawat minuto nang wasto, upang gumawa ng isang bagong mundo ng pag-ibig.
Kung susukatin mo ang iyong mga ginagawa, malalaman mo kung ginagamit mo nang wasto ang iyong oras. Madalas kaming kumakarera at sinusukat namin kung gaano katagal bago kami matapos. Sa mga maikling karera, ang isang segundo ang maaaring gumawa ng malaking pagbabago. (
1 Corinthians 9:26-27) Sa buhay, ang taong gumagamit ng kanyang oras nang husto ang siyang gagawa ng lubos para sa Diyos.
Matutong punan ang bawat segundo ng buhay. Kapag pagod ka sa paggawa ng isang bagay na pisikal, dapat kang gumawa ng isang bagay na ginagamit ang iyong utak. At kapag pagod ka na sa paggamit ng iyong utak, dapat kang gumawa ng isang bagay na pisikal. Kung kailangan mong maghintay ng isang bagay, o kung kailangan mong umupo nang matagal kapag naglalakbay, gamitin ang oras upang pag-aralan ang iyong Bibliya o pag-aralan ang ilang mga kard ng mga talata sa Bibliya. (Dapat mong dalhin ang alinman o pareho sa mga ito sa lahat ng oras.) Kung hindi ka makapag-aral, magagamit mo ang iyong oras upang manalangin at hilingin sa Diyos na sabihin sa iyo kung ano ang gusto niyang gawin mo. Huwag hintayin na may magsabi sa’yo kung ano ang dapat mong gawin sa iyong oras. Laging tanungin muna ang Diyos.
Kapag ginawa mo ito, binabalik mo ang buhay na ninakaw ng diyablo mula kina Adan at Eva sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na sumuway sa Diyos.
(Tingnan ang mga polyetong:
Measure it, at
Time.)