Mga Detalye
Nilikha: 01 Hunyo 2001
Ito’y isang kwento na mahirap isalaysay, at ito’y marahil ang dahilan kung bakit tumagal ng mga labinlimang taon bago namin ito maisalaysay. Ang bahagi na mahirap ay ang hindi paglalahad ng kwento, ngunit ang bahagi na mahirap ay ang katotohanan na palagi naming iniiwasan na mamigay ng mga testimonya tungkol sa mga himala, dahil sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa masasamang taong nagnanais ng mga himala at hindi nakokontento lang sa hindi gaanong senseysonal na katotohanan. Alam din namin na ito ay maaari maging medyo nakakapanghina ng loob na makarinig ng mga mahimalang salaysay ng iba pang mga Kristiyano kapag ang ating sariling buhay ay tila hindi kapanapanabik kung ihahambing. Dapat naming simulan sa pagsasabi na ang kwentong ito’y marahil isa sa tatlong nangungunang kwento ng paglalaan ng Diyos sa loob ng 35 taon ng Kristiyanong paglilingkod. (Baka sa isang araw, maikukwento namin ang iba pang dalawa!)
Gayunpaman, ang Bibliya ay talagang tumatala ng mga himala. Ang himala ng Paskwa ay taun-taong binabalikan ng mga Hudyo noon bilang isang paalala ng proteksyon ng Diyos. At kahit na hinihimok ang mga Kristiyano na isipin ang mga pagkamatay ni Jesus bilang ang gumagabay na liwanag, ang himala ng muling pagkabuhay ni Jesus ay nakatala pa rin sa banal na kasulatan, tulad ng marami sa iba pang mga himalang nangyari sa panahon ng ministeryo ni Jesus. Kaya napagpasyahan naming opisyal na magtala kami ng kahit isa sa mga mahimalang pangyayari sa aming kasaysayan, kung saan, sa paglipas ng panahon, tinukoy namin bilang “Ang Matinding Pagtakas”.
Tahimik kaming nagtatrabaho noon sa isang maliit na nayon (Dookanahally) sa mga suburb ng Bangalore, India, sa loob ng halos dalawang taon (mula 1984 hanggang sa 1986). Ang isa sa mga iginagalang na matatanda ng nayon ay nagpakita ng espesyal na interes sa amin. Hinikayat niya ang kanyang mga anak na binata at dalaga na tulungan kami sa ginagawa naming gawaing panlipunan (social work). Ang kanyang interes noon ay maaari silang matuto ng mas mahusay na Ingles, at posibleng makapaglakbay sa Australia sa isang petsa sa hinaharap. Ang pamilya ay nagmula sa isang mataas na Hindu caste.
Sa panahon ng aming pakikitungo sa mga kabataan, nalaman namin na regular na inaabuso nang sekswal ng kanilang tiyuhin ang anak na babae, at tila itong nangyayari nang may pahintulot mula sa kanyang ama. Ang anak na babae, na tatawagin naming Ruth, ay naakit sa kung anong tinuturo namin noon at nakatanggap siya ng Bibliya mula sa amin kung saan babasahin niya ito nang sikreto, gamit ang isang flashlight sa ilalim ng kanyang kumot sa gabi. Bagaman, napansin ng tatay sa huli ang kanyang matinding interes sa Kristiyanismo, at siya’y nabahala.
Ang kanyang ika-18 na kaarawan ay nalalapit na, at kapag siya ay naging 18, siya ay may karapatan na palitan ang kanyang relihiyon, ayon sa batas ng India. Kaya ikinulong siya ng ama sa kanyang kuwarto, at pagkatapos ay nagsimulang makipag-negosasyon upang pilitin ang kasal sa isang Hindu na lalaki bago ang kanyang kaarawan. Nakatakas si Ruth mga dalawang linggo bago siya mag-18, at pumunta sa amin at ikinuwento lahat.
Kami ay nasa isang dilema noon. Labag sa batas na hangarin na palitan ang relihiyon ng sinumang mas bata sa 18 sa India. Gayunpaman, naroon din ang usapin ng sapilitang kasal at ang incest. Sa wakas ay nag-alok kami na magbayad para sa isang kwarto sa hotel sa lungsod, kung saan maaaring magtago si Ruth sa loob ng dalawang linggo. Ipinagbilin namin siya na huwag lumabas ng kuwarto, at maghahatid kami ng mga parsela ng pagkain upang siya ay mabuhay hanggang matapos siyang mag-18. Ngunit pagkatapos ng isang linggo sa loob ng kuwarto ay lalo nagiging di-mapakali si Ruth at natatakot kami na gumawa ng koneksyon ang mga hotel staff sa pagitan namin at sa kanya at maaari kaming mapunta sa ligal na panganib sapagkat hindi pa rin s’ya noon 18.
Ang lalaking kapatid ni Dave na si Ron, mula sa U.S., ay bumibisita sa amin sa India noong panahong iyon, at sinabi niya na gusto niyang bisitahin ang isang misyonerong kakontak niya sa Cochin (ilang daang milya sa timog ng Bangalore). Iminungkahi niya na maaari si Ruth na sumama sa kanya papuntang Cochin upang hindi na dapat tumago mula sa paningin para sa huling linggo bago siya mag-18. Ilan sa amin (sina Ross, Liz at Sue) ang sumang-ayon na sumama kina Ron at Ruth sa isang bus papunta sa Cochin at ingat silang umalis ng Bangalore noong unang bahagi ng linggo. Nagplano silang bumalik sa kaawawan ni Ruth, sa susunod na araw ng linggo.
Samantala, ang ama ni Ruth ay nagiging desperado noon. Ipinalagay niya sa simula na kami ay nauugnay sa pagkawala ng kanyang anak na babae, at gumawa siya ng ilang pagtatangka na kumuha ng impormasyon mula sa amin. Nagkunwari kaming ignorante sa kanyang kinaroroonan pati na rin ang pagbibigay ng walang indikasyon na alam namin na sinusubukan niyang pilitin s’ya magpakasal. Mahinahon naming tiniyak sa kanya sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa mga kabataan na madalas lumalayas at bumabalik ng ilang araw pagkatapos. Hiniling namin kay Ruth na sumulat ng isang liham sa parehong araw na pumunta siya sa amin, na nagsasabi siya ay ligtas at maayos, at isa sa amin ang lumakbay sa Madras sakay ng isang tren at ipinost ang liham mula roon, upang bigyan siya ng impresyon na tumakas siya sa Madras.
Gayunman, inakala ng ama na tumatago siya sa malapit. Pagdating ng Biyernes ng hapon, dalawang araw bago ang kanyang ika-18 na kaarawan, nagpadala siya ng delegasyon sa aming kubo (na may dalawang kwarto), na hinihiling na bumisita sina Dave at Cherry sa kanyang bahay. Ito’y isang palatandaan ng mabuting asal sa India na maging napaka banayad kapag nakikipagtalo o gumagawa ng mga pagbabanta; kaya nagkunwaring tinanggap niya si Dave at Cherry nang magiliw.
Sila’y inalokan ng mga upuan sa likod ng isang lamesa na nakapwesto sa isang sulok ng kwarto, at umupo ang mga kaibigan ng lalaki sa parehong tabi upang hindi sila makatakas. Pagkatapos ay nagkunwari siyang nagmamalasakit sa aming kapakanan, sa pamamagitan ng pagsasabi sa amin (Syempre! Sa pinaka mahigpit na kumpiyansa) na balak daw kaming batuhin ng mga taga-nayon hanggang sa mamatay kung hindi namin ibabalik sa kanya ang kanyang anak babae sa loob ng dalawang oras. Humingi siya ng paumanhin sa mga taga-nayon, ngunit sinabi na wala siyang kakayahang pigilan sila. Paulit-ulit niyang idiniin ang kabigatan ng sitwasyon, at humingi ng kumpirmasyon na naiintindihan din namin ang kaseryosohan. Tiniyak sa kanya ni Dave na naunawaan niya ang mensahe, habang hindi inaamin na alam namin ang anumang kinaroroonan ni Ruth. Sinabi ni Dave na ipaparating niya ang mensahe sa buong komunidad at gagawin nila ang lahat para mahanap si Ruth.
Siyempre, ito’y magiging imposibleng ibalik si Ruth nang araw ding iyon, at ito ay magiging imposibleng maibalik siya bago ang Linggo, dahil nakalimutan naming kumuha ng anumang pangalan o address mula kay Ron bago siya umalis. Sa totoo lang hindi namin alam kung saan niya dinala si Ruth. Kahit makatakas kami mismo mula sa nayon (at alam naming binabantayan kami ng halos lahat), hindi namin mapipigilan sina Ron, Ross, Liz, Sue, at Ruth sa paglalakad pabalik sa isang mapanganib na sitwasyon kapag bumalik sila sa loob ng dalawang araw. Wala kaming anumang paraan para makipag-ugnayan sa kanila, at hindi namin alam kung paano nila binalak na maglakbay sa kanilang paglalakbay pabalik. (Ang mga long distance bus ay umaalis at dumarating mula sa mga independyenteng lokasyon, depende sa kung saan nakatira ang partikular na may-ari ng bus.)
Oras na noon para sa isang napakaseryosong pulong sa panalangin. Nagkaroon kami ng oras sa pakikinig at ilang tao ang nagbahagi ng kanilang natanggap. Sinabi ni Paul na nakakita siya ng isang pangitain ng "lampara ni Aladd". Itinama namin siya, at sinabi na ang tamang pangalan ay "Alladin". Inisip namin kung ang lampara (at ang genie na naninirahan dito) ay maaaring kumakatawan sa Banal na Espiritu. Kung gayon, maaari nangangahulugan ito na sinasabi ng Diyos na ipapadala niya ang kanyang "genie" upang protektahan kami.
May ibang tao na nakakita ng ilang taong nagsusugal ng dice. Nalaman namin na ang aming mga pagkakataon na makatakas, at lalo na ang aming mga pagkakataon na hanapin ang mga iba sa isang lungsod na may higit sa isang milyong tao ay halos wala. Gayunpaman, naramdaman namin na ang mga dice ay nagsasabi na dapat naming "kunin ang pagkakataon" at gawin ito.
Si Dave ay nagkaroon ng pangitain ng isang malambot na sofa, at ang malakas na impresyon na sinasabi ng Diyos na magpahinga kami, at magtiwala na nasa kanyang mga kamay niya ang lahat. Ang pagre-relax ang pinakamahirap na bahagi sa lahat, batid na mas mababa sa dalawang oras ang layo namin sa kamatayan. Gayunpaman, gumawa kami ng isang plano na magbibigay ng impresyon na kami, sa katunayan, ay hindi natatakot. Kapag mas kalmado kami, mas mas lalakas ang loob ang ama ni Ruth na ibabalik namin ang kanyang anak na babae sa loob ng dalawang oras.
Si Cherry ay nagpatuloy upang magkunwari na naglalaba, at nagsasabit ng mga nilabhan sa sampayan sa harap ng aming kubo. Mayroon kami noong isang bahay na puno ng mga muwebles, kasama ang ilang mga kahon na puno ng mga damit at iba pang mga bagay na binalak naming ipamahagi sa mga tao sa nayon. Nagpasya kaming dalhin ang ama nina Liz at Rachel, si Daniel, sa aming pagtitiwala; kaya ipinatawag si Daniel, at sinabihan ang tungkol sa sitwasyon. Ibinigay namin sa kanya ang mga susi ng kubo, at sinabing magagawa niya ang gusto niya sa lahat ng aming ari-arian pagkatapos naming umalis.
Si Christine ay nagbibigay ng mga aralin sa gitara sa isang kapitbahay noon, kaya kinuha niya ang gitara at sinabi na gusto niyang iwanan ito doon para sa kapitbahay na magsanay (batid hindi na kami babalik, at least ang kapitbahay ay magkakaroon ng kanyang sariling gitara). Kinuha ni Dave ang isang maleta na puno ng damit sa isang mahirap na kapitbahay at iniharap ito sa kanila. Tinipon ni Kevin ang lahat ng aming papeles, kabilang ang isang stack ng mga imbitasyon sa kasal nina Robin at Christine, na na-book sa isang lokal na bulwagan noong sumunod na linggo, at inilagay ang mga ito sa isang travel bag kasama ang isang malaking panggiling na bato. Hindi namin nais na may maiiwan doon na impormasyon na maaaring ibigay sa pulisya o maaaring magamit sa pagsubaybay sa amin.
Ibinahagi ni Kevin sa amin ang isang panaginip isang taon o dalawa na nakalipas tungkol sa pagtatapon ng isang bag sa isang balon, at tungkol sa bag na lumulutang kahit na ito ay may malaking bato sa loob nito. Sa pagdating sa nayon, nakita niya ang balon na nakita niya sa kanyang panaginip, at itinuro niya ito. Ngayon ay isinasabuhay niya ang napanaginipan niya dati. Inilagay niya ang mabigat na bag sa upuan ng isang bisikleta at kaswal na itinulak ito patungo sa balon. Huminto siya upang sumilip sa balon, at pagkatapos ay naghintay hanggang sa makasigurado siyang walang nakatingin, at itinulak ang bag papasok. Oo nga, kahit na may bato sa loob nito, lumutang ito nang ilang sandali, habang ang tubig ay natagalan sa pagpasok sa pamamagitan ng zipper.
Nang tila kaming naghintay ng sapat na katagalan, nagpasya kaming tingnan kung ano ang mangyayari kung bigla kaming tumakbo. Tatlo sa mga lalaki ang nakapaglakad nang kaswal palayo sa nayon, marahil dahil inakala ng mga taganayon na susunduin nila si Ruth. Sa katunayan, pumunta sila sa malapit na kinatatayuan ng mga auto rickshaw. Ang mga auto rickshaw ay mga motorsiklo na may tatlong gulong na kayang magdala ng hanggang tatlong pasahero bawat isa. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ipaliwanag sa mga drayber na kailangan nilang magmaneho papasok sa nayon, magpasakay nang mabilis, at pagkatapos ay magmaneho para sa kanilang buhay kung habulin. Nakikita namin ang mga sasakyan na papunta sa amin sa isang bukas na larangan. Wala sa mga taganayon ang tila na nakapansin sa kanilang pagdating.
At pagkatapos ay may biglang nangyari. Bumukas ang kalangitan at biglang bumuhos ang malakas na ulan sa nayon. Nagtakbuhan ang lahat sa loob ng kani-kanilang mga kubo upang takasan ang buhos ng ulan, kung saan ito ay ang pagkakataon na kailangan namin upang tumakbo para salubungin ang mga rickshaw, sumakay, at agad na maneho. Patuloy kaming lumilingon, ngunit wala kaming makitang sinyales na may sumusunod sa amin.
Nang nasa kabayanan na kami ng Bangalore, naghanap kami ng bus papuntang Cochin, nakakita kami ng isa, at pagkatapos kaming walo ay umupo sa bakanteng upuan sa likod para sa magdamag na paglalakbay sa Cochin. Hindi nagtagal ay natuklasan namin kung bakit naiwan sa amin ang upuan sa likod na bakante. Ang bus ay walang bukal at ang kalye ay napaka baku-baku noon. Kaya buong magdamag kami ay literal na tumatalbog ng isang talampakan sa ere sa tuwing natamaan namin ang isang bukal sa kalye. Imposibleng makatulog ang sinuman sa amin. Gayunpaman, ang aming kaginhawahan sa pagtakas sa banta ng kamatayan sa nayon ang nagpatawa at nagpasaya sa amin sa halos buong gabi.
Matagumpay naming nagawa ang unang kalahati ng aming plano. Ngunit ang pinakamahirap na bahagi ay nasa harap pa rin namin, at iyon ay ang paghahanap sa mga iba bago sila umalis sa Cochin nang Linggo, na hindi sinasadyang bumabalik sa galit na nayon.
Di-nagtagal pagkatapos ng madaling araw, ang bus ay nagmaneho papasok sa hangganan ng Cochin. Alam namin na inaasahan nina Ross at Sue na bumisita ng ilang mga Pasionista habang nasa Cochin, at pinagkamalan ni Dave ang isang simbolo sa isang Katolikong Simbahan para sa isang Pasionist na simbolo, at hiniling niya sa driver ng bus na pababain kami.
Nakatayo kami roon sa gilid ng kalsada, lubusan na napagod matapos mapuyat nang buong gabi. At pagkatapos ay may tumuro sa isang malaking paskilan sa kabilang gilid ng kalsada. Nagpakita ito ng iba't ibang gintong trinket at alahas, kasama ang mga salitang "A. Ladd's Jewellery Bazaar"! Biglang bumalik sa amin ang maling pagbigkas ni Paul kay Alladin. Hindi namin alam kung ano pa ang gagawin sa karatula maliban sa pagpapatunay na kasama namin ang Genie ng Diyos.
Bago tumakbo pabalik si Dave para tingnan ang simbahan, tinanong ni Cherry kung pwede bang mag-almusal ang iba sa isang cafe sa tabi ng kalsada kung saan huminto ang bus. Naalala ni Dave ang pangitain tungkol sa isang sofa, ngunit sinabi niya na wala siyang sapat na pananampalataya para magpahinga ng napakatagal sa kanilang misyon. "Bumili ka lang ng ilang kape at mga biskwit (cookies) sa ngayon," aniya. "Pagkatapos tayong tumingin sa ilang hotel, pagkatapos maaari tayong mag-almusal."
Nang bumalik si Dave mula sa simbahan, na may mga tagubilin kung paano hanapin ang mga Passionist, ang iba ay nagbahagi ng ilang mas kapana-panabik na balita sa kanya. Ang bawat mesa sa cafe ay may malalaking itim at puting dice na nakapatong sa kanila, kung saan ang mga ito ay talagang lalagyan ng abo. Muli, mas higit pang kumpirmasyon na kasama namin ang Diyos. Ngunit hindi pa rin sapat para mas seryosohin ni Dave ang ikatlong pahayag.
Naghiwalay sila, nang may ilang tao na tumitingin sa mga hotel at ang iba naman ay tumitingin sa mga Passionista. Nalaman nila na binisita ng grupo ang mga Passionista, ngunit wala silang iniwan na mga palatandaan kung saan sila tumutuloy, at walang pangakong babalik. Nahanap din nila ang hotel na tinuluyan ng mga iba kagabi. Ngunit maagang nag-check out sina Ron, Ross, Sue, Ruth, at Liz nang madaling umagang iyon, halos kasabay ng pagdating namin sa cafe sa gilid ng kalsada. Walang indikasyon na babalik si Ron at ang kumpanya sa hotel.
Sa buong araw na iyon, hinanap ng grupo s Cochin. Sina Rachel at Liz ay may mga kamag-anak na nakatira sa isang nayon malapit sa Cochin, bagaman hindi nila alam kung saan iyon. Sinundan nina Dave, Cherry at Rachel ang impormasyong natanggap nila tungkol sa isang dayuhang guro ng musika na patungo sa isang nayon. Ang kanyang paglalarawan ay angkop kay Ross, na isang guro ng musika. Ngunit nang sa wakas ay natunton nila ang nangunguna ay ibang tao na ito.
Nang gabing-gabi na (Sabado), nagkita-kita ang pagod na grupo ng siyam sa isang paunang natukoy na hotel upang maghambing ng mga tala. Malayo pa sila mula sa paghahanap sa iba, at halos tiyak na huli na sila kung may hindi mangyayari nang sa susunod na madaling araw, kapag ang mga iba ay nakatakdang bumalik sa Bangalore.
Muling naisip ni Dave ang tungkol sa pangitain ng sofa, ngunit hindi pa rin niya magawang magpahinga. Siya, Cherry, at Rachel ay determinado na gumising nang maaga at mag-check in sa hotel kung saan tumuloy si Ron at ang mga iba noong nakaraang gabi, baka sakaling bumalik sila roon. Ang iba ay bilis na mag iikot sa bayan na sinusubukang maghanap ng maraming mga bus hangga't maaari na tutungo sa Bangalore, at pagkatapos ay tingnan ang bawat bus upang makita kung ang aming mga kaibigan ay naroon.
Nang kinaumagahan, habang tinitingnan nina Dave at Cherry ang isa pang hotel, naisip nila ang paliparan. Alam namin na ang aming mga miyembro ay walang sapat na pera upang lumipad pabalik sa Bangalore; ngunit hindi namin alam kung maaaring mamuhunan si Ron ng isang tiket (lalo na kung naranasan niya ang isang mahirap na paglalakbay tulad ng naranasan namin!) Tumawag si Dave sa paliparan at hiniling sa kanila na i-page si Ron McKay.
Isipin n’yo ang kanyang pagkagulat nang lumitaw si Ron sa linya makalipas ang ilang sandali, nasasabik na nagsasalita. "Lumabas kayo sa nayon!" Sinabi ni Ron, o mga salita sa ganoong epekto. "Kailangan n’yong umalis agad. Nasa malaking panganib kayo." Ipinapalagay niya na kausap niya si Dave sa Bangalore, hindi alam na pareho silang nasa parehong lungsod at pareho silang sinusubukang bigyan ng babala ang isa.
It turned out that the others had been in a prayer meeting of their own, and had felt that God was telling them that there was serious danger in the village, whether Ruth returned or not. Ron (who was the one least known in the village) had bravely volunteered to fly back and try to save the rest of us.
We were all relieved to learn that the others were safe. Ron said he would catch a cab back to the hotel and take us to the missionary orphanage where the others were staying. He arrived and we took the bus together to the orphanage.
Pagkababa namin ng bus, tumingala kami, at naroon ang parehong billboard, na nag-a-advertise ng "A. Ladd's Jewellery Bazaar". Nakatayo kami sa harap ng parehong cafe sa tabi ng kalsada kung saan kami huminto para sa isang tasa ng kape noong nakaraang umaga. At ang bahay-ampunan ay ilang bloke lamang ang layo, sa ilang paliko-likong mga kalye.
Kung ang grupo ay nag-relax lang at nag-almusal sa cafe noong umaga, literal na bumaba ang mga iba sa kanilang mga kandungan. Dahil pagkatapos nilang mag-check out sa hotel, sina Ron, Ross, Sue, Liz, at Ruth ay sumakay lahat sa iisang bus sa iisang hintuan, para makalipat sila sa akomodasyon ng mga bisita sa bahay-ampunan!
At iyon ang kwento ng Matinding Pagtakas.
UPDATE: Bagama't hindi kailanman kami nangahas na bumalik sa nayon, nalaman namin sa pamilya nina Rachel at Liz na pinatay ng ina ni Ruth ang asawa ng kanyang anak na lalaki, at pagkatapos ay kitilin ang sarili niyang buhay. Sa katunayan, ito ay isang pamilya na hindi gumawa ng walang laman na pagbabanta. Nang maglaon, nakipag-ugnayan sa koreo ang ama ni Ruth kay Ruth sa Australia, kung saan sinabi niya sa kanya na kailangan niyang magpakamatay para mailigtas ang pamilya sa kahihiyan sa kanyang kombersyon sa Kristiyanismo. Simula noon umalis na si Ruth sa aming komunidad.
(Tingnan din: Pakikinig Mula sa Diyos)