Isinulat noong 25 Hunyo, 2011
Tumitingin ako ng ilang lumang papeles nung minsan, at aking nakita ito, ipinadala mula sa isang miyembro ng mga HesuKristiyano noong umiiral pa kami bilang isang komunidad. Dumating ito pagkatapos ang taong ito ay dumaan sa isang panahon kung saan nararamdaman na hindi s’ya kampante at nabalisa sa kung paano ginagawa ang mga bagay. Pakiramdam ko ipinahayag niya nang mabuti ang ilan sa mga isyu na dapat harapin ng isa sa gayong mga pagkakataon.
Mahal kong Dave at Cherry at sa buong komunidad.
Salamat sa inyong mga email at sa imyong pasensya. Ako’y unting nahihiya tungkol sa aking bugso ng galit nung minsan, ngunit sa ilang mga paraan maginhawang ilabas ang mga saloobin na ito. Nang maisip ko ito nang rasyonal alam ko namuhay ako ng isang napakamapalad na buhay, nang may maraming paglalakbay, mga mabuting kaibigan at dakilang layunin, talagang gawin isang mas mabuting lugar pa ang Mundo. At salamat sa pagpapaalala sa akin na ang lahat ng mga bagay na ito ay nagmula sa mga pagpili na aking ginawa. Pasensya na kinalimutan ko iyon at hinayaang ang pait ng aking puso na bulagin ako mula roon at sisihin kayo para sa mga kahihinatnan ng mga pagpiling iyon. Bawat pagpili ay may mga mabuting panig at mga masamang panig at dapat ako maging responsable para sa nagawa kong mga pagpili, tinatanggap na ang mga “masamang” panig ay bahagi rin ng aking pagpili. Ngunit hindi naman talagang masama ang mga “masasamang” panig!May isang nagtanong sakin ngayong umaga kung paano raw kumakasya ang Diyos sa aking bisyon ng isang buhay na malaya at dapat kong aminin na siya’y hindi at hindi ko siya iniisip sa lahat ng ito. Tulad ng sinabi n’yo, upang ituring man ang isang buhay na makasarili ay nangangahulugang na dapat mong dedmahin ang mas malaking bisyon na maabot ang Mundo. Hindi ko tinatanong ang Diyos kung anong nais niya akong gawin. Sa halip, makasarili kong tinutuon ang “pag-susurvive”. Sa palagay ko na ang pagkokonsidera na mawala ko lahat ng aking mga minamahal ang tumulong sa akin na harapin ang makasariling pag-ugaling iyon. Sa palagay ko na marami sa aking mga layunin sa pagsali sa komunidad at mga desisyon na aking nagawa habang nandito ako ay hindi espiritwal sa partikular (iyon ay: ang pagnanais na maibigan, ang pagnanais na maramdaman na ligtas, ang pagnanais na maglakbay, pagnanais na maging komportable, atbp) Ngunit sa palagay ko rin na ang pagkakaroon ng isang malinis na konsensya ay nasa taas ng aking mga priyoridad nung una kong sinusundan ang Diyos at ako’y naging medyo nakukulangan sa siglal. Pasensya na hinayaan ko itong mahulog mula sa aking mga priyoridad. Tila na naging mas nabahala ako sa pagiging komportable at sa pagtakas mula sa mga responsibilidad sa mga araw na ito kung saan ay masama. Kailangan kong balikan ang una kong pag-ibig at sigla sa buhay. Hindi ko iniisip na ako’y nakarating ng sobrang malayo na gusto ko nang lumayo sa Diyos para lang magawa ko ang sarili kong bagay, ngunit totoo na hinayaan ko ang sarili ko na magdalawang-isip, at pasensya na para doon. Ang paghaharap sa realidad na mawawala ko ang mga tao at ang buhay na aking minamahal ang tumulong sa akin na maging mas seryoso sa pagbabalik sa tamang daan. Gayunman, tulad sa nakikita niyo, ako’y nakatuon pa rin sa pagmamahal sa mga tao kaysa sa pagmamahal sa Diyos. Sa palagay ko na iyon ang isang katangian na mayroon ko simula noong una akong sumali. Sa palagay ko na ito ang kung ano ang nangyayari sa akin sa paglipas ng mga taon (at kasalanan ko na pinapabayaan ko ang aking relasyon sa Diyos), ako’y napapagod at patuloy na binabawasan ang aking bisyon upang subukan at gawin ito bilang maaari kong kayanin hanggang sa na ito ay maging isang bisyon ng sarili ko lamang. Kasalanan ko ito sapagkat maaari ako panatilihin ng Diyos sa pagiging inspirado at sa tamang landas kung inabot ko lang siya sana nang higit pa. Ang mga saloobing ito ng pagsisisi sa iba para sa mga pagpili na ginawa ko ay karaniwang lumalabas kapag ako’y tumutugon sa kritisismo o naiirita tungkol sa isang bagay. Nang kumalma na ako maaari ko nang makita na inilalagay ko lamang ang aking mga problema sa ibang tao. Pasensya na sa paggawa ko iyon. Nang ako’y nasa aking matinong isipan, hindi ko nararamdaman na sinayang ko ang aking oras sa inyong lahat. Sa katunayan nung maisip ko ito, ang buhay natin nang magkasama ay puno ng layunin at kahulugan. At nang matandaan ko kung saan ako patungo bago ako sumali sa palagay ko ipinadala kayo ng Diyos upang literal na LIGTASIN ang buhay ko, at ako’y lubhang nagpapasalamat para doon. Ako’y tumatakbo patungo sa maraming bagay na maaaring maging ang katapusan ko. Sa palagay ko na ang mga saloobin ko ng pagrerebelde ay nagmumula sa isang timpla ng pagmamataas at katamaran. Bawat isa’y pinoprotektahan ang isa. Kapag ako’y tinatamad at pinagsabihan, tumutugon ako sa pagmamataas at sinasabi ko sa sarili ko “siguro naman matanda na ako upang piliin na maging tamad kung gusto ko”, ngunit syempre kapag ginawa ko iyon hindi ko iniisip ang mga kinahinatnan ng pag-uugaling iyon (iyon ay: pagsisira sa aking konsensya, iniwawala ang pakikisama, umaalis sa tamang daan), at ginagawa ko ito isang labanan sa pagitan ng sarili ko at ng pinuno imbis na ipagtanto ko na ito ay ang aking malayang pagpili. Maaari akong umalis at maging tamad, kung iyon talaga ang kung ano ang pinakamahalaga sa akin, ngunit kung mayroon akong bisyon tatanungin ko sana ang Diyos kung anong nais niya akong gawin. Maaari niyang sabihin na magpahinga, o maaari sabihin niya na hindi. Ngunit ang malaking larawan ay na mayroong siyang plano para sa atin at iyon ay higit pang mabuti kaysa sa anumang maaaring nating isipin. Kahit kung ito ay tila na mahirap nang kaunti ngayon, kung ilagay lang natin ang tiwala sa kanya, ito ay gagana para sa ikabubuti. (Hindi sa dahil kailangan kong sabihin sa inyo ang anumang ito. Sinasabi ko lang ito upang bigyan ang sarili ko ng lakas-loob)Aking pinagpasya na ang talagang gusto kong gawin ay ang pagsunod sa Diyos, at susubukan kong tanggapin lahat ng mga kahihinatnan ng desisyon na iyon, anuman ang maaari ito maging. Pakiramdam ko na ang Diyos ay mayroong plano para sa buhay ko at nais ko maging bahagi ng planong iyon. Naiisip ko ang talata “Inilalaan ng Diyos ang pinakamabuti sa mga taong ipinapaubaya ang pagpapasya sa kanya” at ako’y kumbinsido na iyon ay ang pinakamabuting at pinakawais na pagpili na gawin. Pasensya na na ako’y nagdadalawang isip at hinahayaan ang pagnanais na lumipat sa isang mas komportable na sitwasyon na gumapang sa aking pag-iisip at pasensya na na hinayaan ko iyon paitin ang aking puso laban sa inyo.Bilang tugon sa sinabi mo sa iyong email Dave, talaga kong inaasahan na kung umalis man ako na ito ay magiging isang maayos na transisyon at na hindi ako magiging mapait laban sa sinuman o maramdaman na dapat kong talikuran lahat ng mga napakagandang bagay na ginawa natin nang magkasama Pagmamahal xxxxxx