Click on the quote below to read the article...


Nagkaroon kami ng diskusyon kagabi at sinabi kaagad ni Jeremy, “Ako’y nakakakita ng isang artikulo mula rito.” Pinag-usapan namin ang konsepto ng isang “madulas na dalisdis” sa aming Kristiyanong paglalakbay, at nakaisip kami ng isang bilang ng mga nakawiwiling obserbasyon. Ang argumento na aking tinutukoy ay ang isang nagsasabi na ang isang tiyak na gawa o pagtuturo ay maaaring magdulot ng maraming masahol na mga gawa.

Para sa isang bagay, aming tinapos na ang lahat ay nasa isang madulas na dalisdis. Ang buhay mismo ay isang madulas na dalisdis. Ngunit tayo ay alinma’y sa lumalakad pataas ng dalisdis (iyon ay sa paghahanap ng katotohanan at ng kaharian ng langit), o lumalakad pababa ng dalisdis (iyon ay bilang suporta sa sarili at sa sistema at ang iba’t ibang mas maliit na bahagi ng mga sistemang nito). Madalas dadaanan ng mga tao sa bundok ang isa’t isa, at sa kung saang punto, sila ay higit pa o mababa sa paggawa ng parehong bagay; ngunit para sa isa na umaakyat sa dalisdis, ang argumento ng madulas na dalisdis ay hindi maiaaplay .

Hayaang akong magbigay ng halimbawa. Dalawang tao ang nagsisikap na linisin ang bakuran ng kanilang kapitbahay. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng pag-ibig, at ang isa nama’y ginagawa ito sapagkat kailangan (o gusto) ng pera bilang kapalit sa kanilang ginagawa. Para sa taong ang motibasyon ay sa pera, na hindi natutong tanungin kung saan maaaring dumulot ang kanyang motibasyon, maaaring mayroong mga mas mababang marangal na trabaho kung saan hahantong sa pagkuha ng kanyang oras. Ang motibo ng paggawa ng pera ay ang isa na madalas magdudulot pababa sa bundok kaysa paakyat. At kung ang kapitbahay ay tumaggi na magbayad, ang pag-uugali ng taong ito sa kapitbahay ay magiging higit pang di-nakakatulong kaysa sa trabaho sa bakuran mismo. Ang isa na libreng nagtatrabaho naman ay hindi mapapahamak sa gayong mga kamalian sapagkat ang kanyang motibo ay pundamental na kakaiba. Kapag natapos niya ang trabahong iyon, siya’y maglilipat lang sa paghahanap ng ibang paraan na maging matulungin.

Narito ang isa pang halimbawa ng isang bagay na medyo hindi gaanong inosente sa paningin. Dalawang tao ang nagmamaneho nang napakabilis sa kalsada. Ang isa’y nagmamadali upang makarating sa trabaho (o saanman) at hindi pinapansin ang mga karatula ng speed limit. Ang isa naman ay nagmamadaling dalhin ang isang tao sa ospital. Ang pagmamaneho nang mabilis sa kalsada ay isang madulas na dalisdis para sa taong hinahayaan na ang kawalang-pasyensya na maging dahilan sa paggawa nito, habang siya’y halos parating maghahanap ng mga dahilan para gustuhin na makarating sa isang lugar nang mas mabilis. Habang ang isa naman ay sinusubukan na tulungan ang isa sa kung anong itinatatag bilang isang tunay na emergency. Kapag nakalipas ang krisis, sila’y halos tiyak na babalik sa mas ligtas na pagmamaneho.

Isa pang bagay ang aming naobserbahan ay na kailangan naming itala ang pag-uugali ng mga tao at grupo upang matiyak kung mayroon man isang seryosong panganib sa kanila na madulas pababa ng dalisdis o hindi. Mayroong isang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging nasa bundok (na natatakpan ng mga dalisdis) at talagang dumudulas pababa ng dalisdis. Ang buhay ay puno ng mga panganib, ngunit ang sagot ay hindi sa pagtakas sa isang kweba saanman. Kaya’t kapag ang isa’y patungo sa maling direksyon, siya’y talagang gagawa ng mga maling bagay at ang mga maling bagay na ito ay unting-unti magiging masama. Mababakat namin ang paglago ng mga maling bagay na iyon.

Maaari magturo ang mga kritiko sa halos anumang grupo at anumang indibidwal at mag-isyu ng mga babala tungkol sa halos anumang ginagawa nila, at kung paano ito maaaring magdulot sa mga masahol na pag-uugali. Ngunit kung walang matibay na ebidensya ang naipresenta na sila’y talagang gumagawa ng mga masasamang bagay, kung gayon lahat ng ito ay hindi totoo. Ang aming komunidad, halimbawa, ay umiiral ng 30 taon na. Sa oras na iyon, tiyak na dapat kami na nakagawa ng ilang napakasamang bagay kung kami’y talaga ay isang delikadong kulto. Ngunit kung, pagkatapos ng tatlongpu’t taon ng aming pag-iiral, binabala lamang ng aming mga kritiko ang mga tao tungkol sa kung saan dudulot ang aming pag-uugali, ito’y halos tiyak na pusta na inaabuso nila ang argumento ng madulas na dalisdis.

Aking napaisip si Liesel Appel na nagsasabi sa pambansang telebisyon sa England, isang bagay tulad ito, “Kung sila’y nag-dodonate ng mga kidney ngayon, paano ito magiging sa kinabukasan? Sila ba’y mag-dodonate ng iba nilang mga laman-loob?” Sa paraan na sinalita niya ito, siyempre, ay na ang bawat isa sa mga HesuKristiyano na nag-donate ng mga laman-loob ay ginawa ito sa ilalim ng bilin mula sa akin, na, siyempre, ay ganap na hindi totoo. Mayroong saganang ebidensya sa kabaligtaran. Kaya’t siya’y nakagawa ng isang madulas na dalisdis na nakabatay mismo sa isang kasinungalingan. At ito ay ang ebidensya ng tunay na madulas na dalisdis na tinapakan niya mismo nang simula niyang sabihin sa kanyang sarili na maaari siyang magsinungaling tungkol sa amin at ito’y maayos kung ito ang nakapagtulong sa kanya na abutin ang kanyang layunin na siraan kami. Pareho ang kanyang mga layunin at paraan ay napakasama, kaya’t maaari lang sya na patuloy na maging higit-pang hindi tapat habang patuloy siya na tumungo sa direksyong iyon. Ang kanyang mga pag-atake sa amin ay laging puno ng mga kasinungalingan, at hindi ito kumukuha ng maraming pagsisikap sa aming parte upang ituro iyon.

Marami ang nagawa sa katotohanan na ang dalawa sa aming mga miyembro (Sina Fran at Kim) ay umamin sa pagsabi ng isang kasinungalingan upang iligtas ang buhay ng isa. (Nagkunwari silang kilala nila ang isang tao nang matagal na upang mapayagan silang mag-donate ng isang kidney sa kanila.) Ngunit ito ba ay nagdulot sa kanila sa pagsasabi ng mas maraming mga kasinungalingan? Hindi. At sa agad na maaari nilang masabi ang katotohanan tungkol sa isang kasinungalingang iyon, ginawa nila iyon. Bilang resulta, walang madulas na dalisdis. Ang pagtatala sa kanilang pag-uugali ang nagpakita na ito ay isang pangyayari na ginawa lang ng isang beses, ginawa para sa isang mas mataas na motibo.

Nakagawa kaming mga HesuKristiyano ng maraming bagay na kontrobersyal at na wala sa ordinaryo. Ngunit kung iyong suriin ang anuman sa mga ito, makikita mo na ang aming pamantayan sa kung ano ang aming nagawa ay palagi nabibilang sa paggawa ng mabuti, pagtulong sa iba, pagpapalaganap ng katotohanan, pagkuha sa mga tao na mag-isip nang malalim tungkol sa mabibigat na isyu. Lahat ito ay bahagi ng isang seryosong pag-akyat sa bundok, kaya’t ang mga ekstraordinaryong mga gawa na hindi nagdulot sa isang serye ng masasamang desisyon. Kung, tulad ng sinasabi ng mga tao, ang aming layunin ay isa lamang makasariling obsesyon sa pagkuha ng pansin, ay kelanman sa aming pag-iral ay nagkaroon sana ng maraming nasubukang hangal na mga gawain na ganap upang lang makakuha ng pansin. Ito ay hindi ang kaso.

Ngunit, pagkatapos sabihin lahat ng ito, isang huling obserbasyon ay na, dahil kaming lahat ay nasa panig ng isang bundok, palaging mayroong potensyal na tumalikod at tumungo sa maling direksyon, sa alinman kaso, halos anumang bagay ang maaaring ma-abuso at magamit para sa maling layunin. Ang kailangan nating patuloy na suriin ay ang ating motibo at ang ating mga layunin. Isa sa pinaka karaniwang mga aspekto kung saan ang pagtalikod ay maaaring mangyari ay sa ugnayan ng pagtataguyod ng ating sariling “sistema”. Kailangan tayong manatiling ingat, laging itinatanong ang ating sariling katapatan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga palatandaan na linayo natin mula sa ating mga pinanggap na mga ideal. Ang mga maagang palatandaan ng pagtatalikod mula sa Diyos (kung saan ay isa pang termino sa paghakbang sa isang madulas na dalisdis) ay maaari maging ang pagtuon sa pagtatanggol ng grupo, isang pagtuon sa paggawa ng pera, isang pagtuon sa pagkatakot sa diyablo, o isang pagtuon ng mga politikal na solusyon. Napakaraming direksyon kung saan ang gayong pagtatalikod ang maaaring magmula.

Kaya nagtapos tayo sa simula. Ang lahat ng buhay ay isang madulas na dalisdis. Ang pinakamahalagang bagay ay hindi sa pag-iwas sa panganib, ngunit sa pagpapatuloy na subukang abutin ang tuktok. Kahit madulas tayo nang kaunti sa pag-akyat, maaari pa rin tayong bumangon at tumingin muli patungo sa langit.

Huwag tumigil hangga’t naabutan mo ang tuktok!


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account