Dumalo ako sa isang simbahang pagpupulong kahapon, at ang pagbasa sa Bibliya noon ay ang pangako mula sa Lumang Tipan na hindi hahayaan ng Diyos ang isa sa kanyang matutuwid na lingkod na higit pa sa masaktan ang kanilang mga paa sa isang bato. Kung siya’y nahulog, ipinangako ng sipi na ang Diyos ay magpapagala ng isang anghel upang alalayan siya. Tila hindi nakikita ng kongregasyon ang anumang kontradiksyon (o kahit isang ugnayan) sa katotohanan na ang pagbabasa ay naunahan ng isang anunsyo na ang pastor ay hindi naroon sapagkat siya’y nahulog sa likod ng kanyang sasakyan, at lubhang nasugatan ang kanyang galanggalangan. Maliban sa malinaw na katatawanan ng sitwasyon iyon, narito ang madalas na di-pinapansing kontradiksyon na ang ilan sa mga bagay na nababasa natin sa Bibliya ay tila hindi sumusukat sa ating pang-araw-araw na mga karanasan.
Nang nangyari ito, dumalo rin ako sa isa pang serbisyo ng simbahan nang mas maaga sa araw na iyon, kung saan nagkaroon din ng pagbasa tungkol sa Pag-asa. Ito ay nabibilang ng siping ito: “Ang isang paa ng pag-asa ay nakatanim sa mundo na kung ano talaga, at ang isa’y nakatanim sa mundo na kung ano dapat talaga.” Nagustuhan ko iyon. Tila na binubuod nang maigi nito ang kahalagahan ng pag-asa sa isang mundo kung saan ang mga bagay ay hindi palagi gumagana sa paraan na iniisip natin na dapat.
Ito ay tila na maging isang bagay na nilaktawan ng napakaraming relihiyosong matitindi. Palagi itong nagpalito sa akin nang sobra sa nasabi tungkol sa pananampalataya at tungkol sa pag-ibig, gayunman sa dakilang “Kabanata ng Pag-ibig” mula sa Mga Corinto (1 Mga Corinto 13), sinasabi ni Pablo, “At ngayo’y nanatili ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.” Ang pag-asa ay medyo naiiwan dito, at ito’y minsa’y binababa ng tingin, batay sa palagay na ito’y kumakatawan sa isang pagkukulang sa pananampalataya.
Kung may isa ang nagsasabi (sa isang karaniwang ebangheliko), “Inaasahan ko na ako’y mapapasukan sa langit kapag namatay na ako,” napaka maaari na kukuhanin ng ebanghelikal bilang patunoy na ang taong nagsasabi ito’y balot sa impyerno, dahil lang na hindi niya inihayag ang pananampalataya na sila’y tiyak na maliligtas sa napakahalagang bagay na ito. Para sa mga karamihan ng mga taong ito, hindi sapat kahit na sabihin na, “Ako’y NANINIWALA na ako’y maliligtas.“ Kailangan mong MALAMAN ito, at alamin ito higit sa anumang bahagyang palatandaan ng duda.
Ang bagay na ibinubunsod nito ay isang bagay na aking, noong nakaraan, tinatawag na “kaligtasan sa pamamagitan ng kabulastugan”. Bawat tao ay nagsusubok na daigin ang isa sa kanilang hambog na pagpapahayag ng kanilang pananampalataya na lahat ay naasikaso; sila ay may sariling tiket patungo sa langit; at wala sa lahat ng nilikha ang maaaring agawin ang tiket mula sa kanila. Para sa akin, hindi ko iniisip na humahanga ang Diyos sa panlilinlang sa sarili na binubunsod ng isang gayong pagtuturo at pag-uugali.
Ang parehong bulahaw na ito ay lubhang lumalabas sa mga bibig ng marami tungkol sa ibang mga bagay na maaari hindi maging kasing tiyak tulad nang gusto nila tayo na maniwala din. Gusto nilang malaman mo na hawak nila ang kasagutan para sa lahat ng uri ng mga bagay at maaari nilang patunayan ito, sa isang paraan o isa pa… karaniwan sa pamamagitan ng isang magaan tekstong biblikal na pang-patunay.
Ngunit nang tumungo ako sa Bibliya, nakikita ko na ang ideya ng hustisya at kapayapaan ay inilalarawan sa mga bagay (hal. mga leon humihiga kasama ng mga tupa, at walang taong matuwid ang mahuhulog nang walang anghel na magaalalayan sa kanya) na bihirang masukat sa sarili kong pang-araw-araw na karanasan.
Bihira akong makakita ng mga himala; madalas akong humingi ng mga bagay na hindi ko nakukuha; at lahat ng aking pinakamahuhusay na pagsisikap na manatiling lumalakad ng tuwid ay parating pumapalkpak. Lahat ng ito ay madalas winawalis palabas sa kung ano pinapanggap ng mga masigasig na mananampalataya. Para sa mga nanonood lang, ang gayong pagsisinungaling ay madalas ginagawang batayan upang ganap na despatsahin ang pananampalataya sa Diyos. Ngunit ito lamang, sa aking opinyon, ay dahil ang pag-asa ay kinaligtaan ng parehong panig.
Sa partikular, ang pag-asa ay nauugnay sa isa pang buhay sa isa pang mundo. Kung hanapin mo sa google ang lahat ng mga sanggunian sa pag-asa sa Bagong Tipan, mahahanap mo na halos lahat sa kanila ang tumutukoy sa mga bagay tulad ng pagkabuhay muli o ang pagbabalik muli ni Kristo, mga panahon na magagantimpalaan ang mabubuti at haharapin ng lahat ng masasama ang paghuhukom ng Diyos. Paminsan-minsan iyon ang nangyayari sa buhay na ito; ngunit madalas ang kung ano nakikita natin ngayon ay nagtatagumpay ang masasama at ang mga mabubuti ay nagdudusa. Ang pag-asa ay nagdudulot sa atin na pahalagahan ang mga pangako na ibinigay ni Hesus tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan at tungkol sa kanya na bumabalik ng tuluyan sa daigdig, upang itama ang mga bagay. Isang paa nakatanim sa mundo na ano talaga, at ang isa ay nakatanim sa mundo na kung ano dapat.
Ngunit binabago ng pag-asa ang paraan ng pamumuhay natin sa kasalukuyan din. Bawat oras tayong nanalangin upang tulungan tayo sa ating mga labanan, Inaasahan natin na ipawalang-sala tayo ng Diyos. At ang ilan (mas lalo na ang mga politikal na aktibista) ay pumupunta nang higit pa na maghanap ng hustisya para sa iba, maliban sa kanilang sarili, rin. Ginagawa nila ito sapagkat inaasahan nila na isang bagay na maaaring magawa upang ibahin ang kurso ng kasaysayan, kahit na ipinapakita ng karanasan na ang pagbabago ay madalas napaka bahagya.
Alam ko na maraming ebanghelikal na nagsasabing kalimutan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap, atbp. sapagkat ang ating mga pagsisikap ay hindi kailanmang makakapag-dala ng uri ng mga pagbabago na iniisip natin na darating kapag bumalik na si Hesus ngunit posible na hindi mo mahahanap na ang isa sa kanila na di-humihingi ng kahit konting tulong mula sa Diyos kapag sila mismo’y nasa desperadong mga sitwasyon. Tayo’y umaasa sa isang antas para sa kapayapaan at hustisya sa buhay na ito, kahit kung ito ay hindi darating.
Napakaraming mabubuti na nasa mundo (isang pagtatapos ng pagkaalipin, mga programa para sa mga adik sa drugs, tulong para sa mga nasalanta ng mga sakuna, gamot para sa sari-saring mga sakit, atbp.) ay dumating sapagkat naniniwala ang mga tao na maaari silang makagawa ng pagbabago ngayon. Tinalikuran ng mga tao ang paghangad lamang sa kanilang kapakanan, at inihandog ang kanilang buhay upang tulungan ang iba… sinusubukan na gawin kahit ang isang maliit na bahagi ng mundo nang higit pa tulad ng “kung ano dapat”.
Maraming batang ideyalist ang tumalikod habang sila’y tumanda; at aking narinig na karaniwan para sa mga pastor at pari na dumaan sa isang magkatulad na pagkadismaya sa paglipas ng panahon… nang nakita nila na ang kanilang mga pagsisikap ay hindi nagdala ng matitinding pagbabago na inaasahan nila. Ang pagkadismayang ito (kung ito ma’y sa espiritwal na mga pinuno o sa isang ranko at file) ay madalas kumukuha sa isang anyo ng sinisismo, kung saan mas tinutuonan ng mga tao sa mga kabiguan, madalas sa eksklusyon sa kung anong mabuti ang dumating sa kanila rin. Ito ay bahagyang isang pagpapaunlad sa pagsisinungaling na dumarating kapag pinipili ng isa na di-pansinin ang mapapait na katotohanan sa kanilang sariling pagkukulang, at ang mga kapiraso na hindi tila sumusukat sa kung ano ang inaasahan natin, nag-aangkin sa harap ng ebidensya sa kabaligtaran, na ang mga iba ay nangangailangan lang gumawa ng ito at iyan at lahat ay magiging mabuti. Habang hindi pinapansin ng mga relihiyosong panatiko ang kanilang kamalian, ay di pinapansin ng mga siniko ang lahat ng palatandaan ng pag-unlad.
Ngunit mayroong isang bagay maliban doon na aking napansin tungkol sa pag-asa. Tila mayroon maging isang malinaw na pagkakatulad sa pagitan ng pag-asa at pananampalataya. Sa
Hebrews 11, tayo’y napagsabihan na ang pananampalataya ay “ang laman ng mga bagay na inasahan; ang patunay ng mga bagay na di-nakikita.” Sa ibang salita, kahit ang pananampalataya ay dapat maglutas ng mga nakikitang kabiguan at mga kontradiksyon paminsan-minsan. Bagaman ang pananampalataya ay karaniwang itinaguyod sa pamamagitan ng mga ebidensya sa ibang mga banda. Nakikita namin, halimbawa, na ang mundo at lahat nasa loob nito ay napaka masalimuot at maganda, na ito ay dapat na nagmula sa isang hindi maaaring liriping Tagalikha. At mula sa lahat ng ito, nagpapanggap tayo ng pananampalataya sa isang Tagalikhang Diyos. Hindi natin maaaring makita mismo ang Tagalikha; ngunit mayroon tayo ang kanyang mga nilikha, ilang makakumbinsing mga dahilan upang maniwala na Siya’y umiiral.
Dapat bumalik ang pananampalataya sa pag-asa, gayunman, kapag ang ebidensya ay nagsisimulang lumalaban sa kung anong gugustuhin natin paniwalaan. Kapag nagdarasal tayo nang maalab para sa isang bagay at hindi ito dumadating; kapag ang inhustisya ay tila hindi napipigilan; kapag ang mga bagay na binabasa natin sa Bibliya ay hindi umaayon sa mga bagay na nararanasan natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay… pagkatapos maaari nating piliin na itapon ito lahat sa labas; o maaari nating asahan na ito lamang ay isang pagkakamali sa ating sariling pag-unawa. Maaari nating asahan na ito ay magiging malinaw sa isang araw, sa isang paraan na hindi ito malinaw ngayon. Maaari nating asahan na, sa isa pang buhay, lahat ay ilalagay sa tama.
May isa ang nagsabi, “Naniniwala ako sa Diyos, sapagkat hindi s’ya nakabatay sa katwiran.” Kapag dumating ang mga pagsubok, madalas itong hinahamon ang ating katwiran sa puntong hindi natin hawak ang mga sagot. Tayo ay ginagapi, tila, ng mga pwersa ng kadiliman. At gayunman bumabangon ang pag-asa mula sa kadiliman at nagsasabi, “Gusto ko paring maniwala pa rin… kahit ito man ay nakabatay sa katwiran o hindi”
Ang mga ateista at mga agnostika ay hindi malayo sa katotohanan nang masabi nila na maraming mananampalataya ang tila “nangangailangan” sa Diyos na punan ang mga butas ng kanilang buhay. Tila naman na mayroong isang pandaigdigang pangangailangan para sa atin na maniwala na ang buhay ay mayroong layunin, kahit kapag wala tayong isang palatandaan kung ano maaari ang layuning ito. Kung ang Diyos ay hindi naging totoo, it ay magiging mahalaga para sa atin na imbentuhin siya, sapagkat ang ating buong kaluluwa ay sumisigaw para sa isang paliwanag kung saan maaari lang ibigay ng isang Sukdulang Kapangyarihan. Isang Pinagmulan, isang Tagalikha, isang Hukom, isang Tagagganti.
Kaya’t, bumubukal ang pag-asa habambuhay. Patuloy ito nagsasalita para sa pag-iral ng isang personal na Diyos, kahit na ang lahat ng ibang bagay ay tila nagsasabi para sa atin na sumuko, na ihinto sa paniniwala, na pigilan ang pagmamahal, upang pahalagahan ang sarili at mabuhay tulad ng mga hayop. Ang pag-asa ang nagdadala sa atin pabalik sa sentro ng ating pag-iiral.
Ang talata mula sa Mga Corinto ay nagsasabi, “At ngayon nananatili ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig; ngunit ang pinakadakila sa lahat ay ang pag-ibig. ” Ito’y napaka totoo. Ngunit ang isa na naroon kapag ang pag-ibig at pananampalataya ay hindi nagbunyag ng bunga na gugustuhin natin makita, ang isang nagpapabuhay muli sa dalawa kapag sila’y tilang kumukupas, ay ang pag-asa pa rin. Sa pagkilala iyon, naniniwala ako na maaari tayong maging mas hinog pa sa ating pananampalataya, at mas epektibo sa ating pag-ibig. Kapag tinanggi ng mga tao ang ating pananampalataya, at itanggi nang may kutya ang ating pag-ibig, maaari tayo magkaron pa rin ng pagkakataon na buoin ang walang-hanggang kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapalakas sa ating mga sarili (kung hindi sa kanila) na hawakin nang mahigpit ang pag-asa… para sa isang mas mabuti pang mundo at isang mas mabuti pang pag-unawa sa isang araw.