Nung first kong na meet ang Children of God, more than 30 years ago, sila noo’y nakakakuha ng maraming opposisyon mula sa mga simbahan. Isa sa kanilang pinakamahusay na depensya ay ito: ‘Hatulan ang isang puno sa pamamagitan ng mga bunga nito’
Ito ay isang mahirap na argumento upang i-refute, sapagkat ang kilusang ito ay puno ng mga fresh, idealistic, at masigasig na mga kabataang hippy na tumutok sa mga turo ni Jesus. Kahit na ang mga agnostics ay na-impress sa kanilang sigla at ekspresyon ng pagmamahal.
Aking na-expresss ng isang reservation bago tumuloy ako sa kanila. Sinabi ko na minsan nangangailangan ng mahabang panahon para lumitaw ang bunga, at kaya kailangan naming maging palaging willing na i-examine ang aming mga sarili upang tingnan kung lumalayo kami sa katotohanan. Aking na-obserbahan na ang masigasig at spontaneous na mga kabataan ay mukhang mabuti halos saanman. Pero ang malaking tanong ay ano ang magiging long-term results sa kanilang ministry?
Gumugol lang ako ng ilang buwan na aktwal na namumuhay kasama ng The Children of God bago ko naramdaman na kakailanganin kong putulin ang pakikisama ko sa kanila at magsolo. Nagsimula silang magturo ng isang bagay na tinatawag na ‘flirty fishing’, kung saan nag-ooffer sila ng free sex sa mga tao nasa labas ng organisasyon upang akitin ang mga tao na sumama sa kanila, magdonate sa kanilang cause, or magsabi ng isang dasal na mag-gagarantiya na makakabigay sa kanila ng isang ticket patungo sa langit na hindi kayang bawiin ng Diyos.
Para sa akin, halata naman kamalian: They had mistaken sex for love. Mula sa simula at sa katapusan naglapat ng mga restrictions ang Biblia patungkol sa seks, at hindi pinapansin noon ng Children of God (na sa kalaunan ay tinawag na The Family) sa kanilang panganib. At least ito ay matatag kong pinaniwalaan.
So nag-branch out ako at nagsimula ako ng sariling kilusan na sa una ay tinawag na Christians, at sa kalauan ay tinawagang Jesus Christians. Kaming mga Jesus Christians ay, sa pagdaan ng mga taon, ay madalas ikinukumpara sa The Family, sa batayan ng katotohanan na namumuhay kami nang magkasama, na hindi kami nagtatrabaho sa sistema, na madalas kaming gumagamit ng mga cartoons upang ilarawan ang aming mensahe, o nag-uusap kami tungkol sa mga propesiya sa Bibliya.
Pero, hindi iyon ang mga isyu na pinaka-pinapag-usapan ng mga tao kapag ikinukumpara kami sa The Family. Instead, minemention nila ang sarili kong personal na pakikipag-ugnayan ko sa kanila (Walang ibang miyembro ng aming komunidad ang naging miyembro ng The Family o ng Children of God.), at pagkatapos ay pumunta sa isang paglalarawan sa mga pagtuturo na ang naging sanhi ng aking paglabas sa The Family more than a quarter of a century ago, as though na iyon ay ang mga teachings na pinagsasaluhan namin. Ito ay isa malupit at hindi patas na pagkukumpara.
Halos sa panahon na umalis ako sa The Family, ang kanilang leader (si David Berg, na kilala ring bilang si ‘Mo’) ay nag-uundertake ng isang dilekado at masamang eksperimento. Nabuntis ang kanyang mistress dahil sa isang waiter na finer-flirty-fishing niya, kaya napagpasya ni ‘Mo’ na mag-keep ng isang record sa experiment na gagawin niya sa sanggol na ito, kung saan tinawagan niya itong Davidito (‘little David’). Si Davidito ay nalantad sa ganap na sekswal na pagpapakasaya, kabilang din ang regular na pakikipagtalik sa mga miyembro ng harem ni Mo, pati ring regular exposure mula kasangulan sa pakikipagtalik at mga orgies.
Ang pilosopiya ay karaniwang lahat ng seks ay maganda at itinalaga ng Diyos, at ito lang ay dahil sa religious hang-ups kaya nasira ang appreciation nito ng mga tao. Ang batang ito ay mag-eexperience ng ganap na pagmamahal sa pamamagitan ng ganap na sexual indulgence.
Gumawa si Mo ng ilang propesiya tungkol kay Davidito na kalaunan ay kumuha ng mantle ng pamumuno mula sa kanyang tumatanda na stepfather. Nahulaan na siya ang magpapadala sa kanila sa tunay na ‘kalayaan’. Ang buong Children of God community ay nabigyan ng mga hindi makatotohanang pag-asa para sa batang lalaking ito mula sa araw na siyang isinilang, at isang intimate diary ang naitago tungkol sa lahat ng kanyang karanasan, kung saan ay na-share sa buong movement.
Ang naging epekto kay Davidito mismo ay traumatic. Ang kanyang pinakakilalang katangian ng pagkatao ay ang matinding pagkamahiyain. Gayunman, nanatili siya sa komunidad hanggang siya ay nasa labas ng kanyang pagbibinata, nag-eengage sa seks sa kanyang maraming hubad na nurses mula sa panahon na siya ay eleven years old.
Noong ilang taong nakalipas, umalis si Davidito sa The Family, nakumbinsi na ang kanilang itinuturo ay hindi, tulad nang inaangkin nila, ay base sa mga tinuturo sa Biblia. Sa kasamaang palad, napasama siya sa marami na naging mas masahol para sa kanya kaysa sa mga taong tinakasan niya. Nakipag-uganayan siya sa mga dating miyembro ng The Family, na karamihan ay motivated by hatred sa mga taong na noon ay minahal nila.
Ang hatred na ito ay lumago sa loob ni Davidito (kung saan iniba ang kanyang pangalan bilang Ricky Rodriguez) bilang resulta ng kanyang mga bagong asosasyon, sa isang punto na sa kalaunan ay nagplano siyang patayin ang kanyang nanay, ang dating mistress ni Mo. (Namatay si Mo sa 1990s.) Ang hatred ni Davidito sa kanyang nanay dahil hinayaan siya’y ma-abuse nang sekswal sa ganoong paraan ay lumaki ito sa punto kung saan hindi niya ito ma-contain. Pero, ang kanyang nanay, kasama ng kanyang bagong minamahal, ay namumuno sa The Family, at ang seguridad The Family ay napakaimposible para sa kanya na mahanap siya.
Ang pinakamalapit na mapupuntahan ni Davidito sa kanyang ina ay ang makipagkita sa isa sa kanyang mga dating nursemaids, isang babaeng nasa hustong gulang na para maging kanyang ina. Nag-arrange siya ng meeting kasama niya noon January ng taong ito, sa Tucson, Arizona, at sinaksak niya siya ng ilang beses bago niya laslasin ang kanyang lalamunan. Tapos nag-drive siya papuntang San Diego, California, kung saan siya nagpakamatay gamit ng isang baril sa kanyang ulbo.
Sinasabi ng kanta, ‘Lemon tree very pretty; and the lemon flower is sweet. But the fruit of the poor lemon is impossible to eat.’ Ganun din ang prutas, ng parehong distorted na pagtuturo ng The Family tungkol sa seks, at ng justifications at pag-nunurture para sa hatred at revenge ng mga anti-Family movements.
Both sides will argue na hindi ito posible para sa kanila na maging parehong tama, at na ang isa sa kanila ay dapat na maging mali. At depending sa kung anong side na iyong papakinggan, madali magsimula na maniwala sa isa sa bawat side. Pero, whether or not na possible para sa kanila na maging TAMA, walang pagdududa sa aking isipan na ito ay hindi lamang posible, pero quite definitely true na both sides ay napaka-MALI. Walang pangangailan para sa sinuman na magside sa anumang side.
Hindi ibig sabihin na walang mabubuting tao sa parehong grupo. Sinubukan naming magtatag ng isang positibong relasyon at konstraktibong komunikasyon sa parehong grupo, pero walang bunga ang aming mga pagsisikap sa parehong direksyon.
Bilang isang komunidad, sinubukan namin kunin ang mga katotohanan sa Biblia na tinuro (or at least na-hint) ng The Family (lalo na sa kanilang unang panahon), at i-preach ang mga ito nang hindi sinasama ang mga kasinungalingan tungkol sa free seks. Sinubukan naming i-communicate nang may pagmamamhal sa mga miyembro ng the Family, pati narin i-communicate nang may pagmamahal sa mga dating miyembro.
Hindi nagtatagal ang mga ex-members na ilunsad ang masasamang salita laban sa sinumang may lakas-loob para magsabi ng anumang positibo tungkol sa The Family. Ang kanilang pagkapoot ay bihira higit sa isang pangungusap o dalawa mula sa ibabaw. Pero ang The Family mismo ay mas banayad. Matamis silang ngumingiti at ine-ekspress ang kanilang pagmamahal sa mga salita paulit-ulit, habang sila’y lumalakad nang pa-urong mula sa amin. At sa oras na sila’y may pintuan sa pagitan nila at sa amin, ni-lolock nila ito at binabala ang kanilang mga miyembro na huwag buksan.
Sinulat namin ang artikulong ito ngayon dahil ang front page story sa Los Angeles Times tungkol sa pinahirapang buhay at kamatayan ni Ricky Rodriguez ay nagbigay ng worldwide interest muli sa The Family; at ang scandal sa The Family ay hindi kailanman napakamalayo sa amin.
Kita mo, nung tumigil ang The Family sa pag-preach ng Christianity sa mga kalye, at nagsimula sa flirty fishing, ang oposisyon mula sa churches ay tumigil. At halos ito ay kasing panahon kung saan na ang oposisyon laban sa amin ay naglunsad. Ang mga simbahan ngayon (at maraming magulang mula sa sistema at iba pang mga awtoridad) ay may higit pang hatred
sa katotohanan na itinuturo namin (at na-hint sa mga sinaunang teachings ng The Family) kesa sa mga perversions na nangyari sa mga nakaraang taon upang ma-manifest sa sarili nito sa isang murder-suicide ng isa ng ipinangako ng The Family na mag-lelead sa kanyang mga tauhan sa kalayaan.
Gaano mang masama ang mga pagtuturo tungkol sa seks ng The Family, at gaano mang masama ang mga pagtuturo ng mga anti-Family tungkol sa hate, mas pipiliin ng karamihan sa mga tao ang alinman sa mga ito kesa sa mga katotohanan na nasa loob ng mga turo ni JesuKristo. Pero mas determinado kaming manatili sa katotohanan, at ibigay lahat sa mabubuting bunga na makukuha mula roon sa kalaunan.