Click on the quote below to read the article...



Sapat para sa alagad na maging tulad ng kanyang guro, gaya rin ng isang alipin sa kanyang amo. Kung tatawaging Beelzebub ang may-ari ng isang bahay, ano kaya ang tatawagin sa mga naninirahan sa loob nito? Matthew 10:25

Mas nagiging mahirap para i-convince sa mga tao na kami ay isang (ligtas) na religious group. Balang araw makakarinig sila ng maraming negatibong bagay na sinasabi about sa amin, at sa tulong ng google, the question comes sooner rather than later. At ang tanong na iyon ay: “Bakit maraming masamang bagay ang nasasabi tungkol sa inyo?”

Di ko kailanmang naisip na magkakaroon ako ng confidence na sabihin ito sa isang interview kapag natanungan sa topic na iyon, pero ang aking honest belief is na ang rason kung bakit nakakatanggap kami ng napakaraming hindi makatwirang oposisyon ay dahil nga sa aming desisyon na sundan si Jesus. Sana, mas magiging confident na sabihin ko to in the future. (Siguro dapat nalang naming tawagin ang sarili naming “The Jesus Cult” para matapos na ang lahat ng ito!)

Siyempre, ang isa ay dapat na maging very confident na wala kaming nagawang isang bagay para ma-deserve talaga yung opposisyon bago namin ito ma-angkin na kami ay nagdudusa dahil sa aming commitment kay Jesus. Gayumpaman, malinaw si Jesus tungkol dito. Habang naman meron ibang mga reasons sa pagiging persecuted maliban sa katotohanan na sinusubukan naming sundin siya, kung sinusunod namin nga si Jesus, sinisiguraduhin niya sa amin na ito ay magdadala ng persecution.

Iniiwasan ng marami sa usapan sa pagitan namin at ng aming mga critic ang realidad na ito, pero ito ay hindi binibigyang pansin kahit ito ay isang bagay na malaki. Obviously napag-decide naming sundin si Jesus, at ginawa namin sa paraan na bihirang pinag-isipan ng lahat ng mga simbahang iyon na nag-aangkin na ginagawa ang parehong bagay. Binasa namin ang kanyang mga itinuro at sinubukan naming literal na gawin ito sa pang-araw-araw na pamumuhay namin. Hindi lamang ito teolohiya, pag-riritwal, wishful thinking, at mga emosyonal na karanasan. Tungkol ito sa pagsunod sa mga totoong aral ni Jesus… pagiging willing na i-alay ang buhay natin bilang pagseserve kay God at sa iba; pagtalikod sa lahat ng inaari natin; hindi iniisip kung saan tayo makakakuha ng pagkain o damit; tumigil sa pagtatrabaho para sa mga pagkaing nasisira; magtravel around the world para i-preach ang mabuting balita na ito ng pananalig, pag-asa, at pagmamahal; at turuan ang iba na sundin anumang ipagawa niya sa atin na gawin.

Ito nagpa-poot sa buong mundo na umaabot lampas sa anumang na maaari naming nagawa upang ma-deserve ito. Kahit na ang aming sariling mga kamag-anak ay tumalikod sa amin, dine-denounce na kami ay masama. Ang media at ang pulis ay nag-rally sa likod ng isang pamilya na sinubukang patayin ang isa sa aming mga miyembro, ginagawa nilang mga bayani ang pamilyang ito. Ang iba naman ay nag-rally sa likod ng isang kamag-anak na nakagawa ng isang website dedicated specifically upang wasakin kami bilang isang komunidad.

Habang ang mga tao ay pumupunta sa amin, nagsasabi, “Tiyak, na hindi sila maaaring lahat na mali; dapat may ginawa ka para magdulot ng labis na galit laban sa iyong sarili," naiisip ko na lang sa sarili ko, "Kung hindi nila ito nakikita, may maitutulong ba talaga para sa akin na sabihin sa kanila ang halata?" Ang oposisyon natatanggap ng isa para sa pagsunod kay Jesus ay incomprehensible sa mga taong hindi pa sinusubukang sundin siya. Pero higit pa d’yan, ito ang nagpapa-infuriate sa kanila na pakinggan lamang ito. Ang buong mundo ay ayaw ng isang martyr… sobrang-sobra na handa silang patayin sinumang nanliligaw sa ganoong kapalaran. Ironic, hindi ba?

Sa pagitan ng mga sumasalungat sa amin, mayroong isang silent conspiracy upang hindi banggitin ang aming commitment sa mga turo ni Jesus kapag nagsasalita laban sa amin, o, kamakailan lamang, upang aktwal na ipahayag nang malakas na lubos naming sinasalungat ang lahat ng sinabi ni Jesus. Ang nahanap nila ay kapag mas extreme ang kasinungalingan na yun, the less na i-chechek ito talaga ng mga tao. Kung kami ay na-describe bilang mas masama kesa sa mga mass murderers at mga serial rapists; kung tinawagan kaming kidnapper, paedophiles at killers for Christ; kung kami ay tinawag na mga hayop kung saan magiging masaya ang mundo kapag patay na kami, tapos iisipin ng isang karaniwang tao, “Naku, dapat may ginawa silang napakasama, kahit ine-exagerrate ng kanilang mga critics ito nang kaunti.” Walang sinuman ang magkokonsider na ang mga critics na iyon ay maaaring nagsasabi talaga ng gayong mga bagay dahil nakagawa kami ng mabuti.

At kung nakumbinsi nila ang kanilang mga sarili at ang iba na ganap kaming tumatanggi laban sa lahat ng itinuro ni Jesus, na sinseserve nila si God sa pamamagitan ng pagkukulong sa amin pagsusunog sa amin, edi sino makakapag-niwala na ito ay dahil na kami ay mga dedicated servants ni Christ na na-reach nila ang ang ganitong konklusyon?

May isang Quaker ang naglarawan nito nang maikli nung pinagmamasdan ang mga ravings ng august assembly laban sa aming sarili: "Na-out-quaker mo lang ang mga Quaker, at hindi nila ito gusto."

Ang karaniwang magsisimba, sa kanilang obsession sa respectability at orthodoxy, ay hindi nila nasisimulan kuhanin kung paano ang kabutihan ni Jesus ay magreresulta sa pinaka-worse possible accusations ibibigay laban sa kanya. After all, nagsisimba sila; nagdadasal sila; nagbabasa sila ng Bible; at walang tumatawag para sa kanilang pagbibitay. Pero ilan sa mga ito – maging relihiyoso man ito – ay talagang nagreresemble sa life and teachings ni Jesus? Hangga’t natanggap natin na ang “Lahat na pumipiling na mamuhay nang tapat kay JesuKristo ay magdudusa ng pag-uusig,” (2 Timothy 3:12) tayo ay palaging maglalayo sa mga bagay na magpapalapit sa atin sa Jesus ng Biblia.

Kami ay isang komunidad ng mga tao na nag-decide na talagang sundin si Jesus (as in i-obey ang kung anong itinuro niya), at tanggap namin na magkakaroon ng mga seryosong pagsubok na maghahadlang sa aming daanan. Babalik ba kami? O tatanggapin ba namin yung fantanical opposisyon bilang parte at parcel ng kung anong ipinangako sa amin ng aming Panginoon?

Ang opposisyon laban sa amin ay lumalaki. Nimamalaki ng mga kaaway namin na lumalaki ang kanilang mga bilang. Kahit na ang mga nag-didisagree sa murder attempt sa isa sa mga miyembro namin ay nagsasabi na dapat naming i-overlook nalang yun, na nakagawa kami ng mga masasamang bagay mismo, na ang lahat ng ito ay isang expression ng pagmamahal sa part ng mga kawawa at misguided na taong nakagawa nito (despite the fact na ang mga would-be murderers ay tilang nagpaplano ng mga bagong paraan para tapusin ang kanilang nasimulan.)

Wala akong sigurong nasabing bago sa artikulong ito. Pero, sa palagay ko ito ay isang mensahe na dapat ulit-ulitin sa mga taong susunod. Patungo tayo sa kung anong sinasabi ng Biblia ay ang pinakamasahol na panahon sa kasaysayan ng planeta… isang panahon kung saan magiging napaka-lala ang pag-uusig. Magiging mas masama pa ang lahat bago ito magiging mabuti. Sinabi ko yun noon, at lumaki ang oposisyon. Kailangan ito masabi ulit, habang palaki ang pag-uusig.

Habang ikinasasaya ang kanilang tagumpay na tilang nangyari, sinasabi sa atin ni Jesus na ikasiya na ang lahat ng ito ay bahagi ng kanyang mas malaking Plano. Kapag mas tinatanggap natin na ito ay mangyayari, magiging less distracted tayo habang hinahangad nating magtrabaho para sa Diyos nang tapat sa isang mundo na humiwalay sa Kanya.


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account