Click on the quote below to read the article...

Tinanong ng isang relihiyosong tao si Jesus, "Ano ang gagawin ko upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?"

"Mahalin mo ang Diyos at ang iyong kapwa," sagot ni Hesus.

Dahil kakaunti ang pagmamahal ng lalaki, tinanong niya, “Sino ang aking kapwa?”

Pagkatapos ay nagkwento si Jesus:

Mayroong isang lalaking binugbog at ninakawan habang naglalakbay siya sa kalsada patungong Delhi mula Calcutta. Naiwan siya sa kalsada na halos patay na.

Nakita siya ng isang pari, ngunit huling-huli na siya sa misa. Kaya hindi nalang niya pinansin ang lalaki.

Nakita rin siya ng isang Protestanteng misyonero, ngunit papunta siya sa isang Bible-study, kaya hindi na rin nalang niya pinansin ang lalaki.

Pagkatapos ay dumating ang isang Hindu at tinulungan ang lalaki. Dinala siya sa isang ospital at binayaran ang singil, dahil walang pera ang lalaki.

"Ngayon sino sa tatlo ang naging mabuting kapwa sa lalaki?" Tanong ni Hesus

“Yung Hindu," sagot ng relihiyosong lalaki.

"Kung gayon sundin mo ang kanyang halimbawa," utos ni Jesus.



Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account