Maraming pagkakataon kung saan dapat nating hatulan ang ibang tao, at sabihin kung naniniwala tayo na sila ay tama o kung naniniwala tayo na sila ay mali.
Ginagawa namin ito kapag ang mga tao sa aming grupo ay mayroong hindi pagkakasundo at humiling sa amin na makinig sa kanilang mga argumento. (
1 Corinthians 6:1-5) Ginagawa namin ito sa tuwing nangangaral kami sa kalye, upang magpasya kung pag-uukulan namin sila ng oras o hindi, dahil may ibang tao na mas nangangailangan ng aming oras. (
Matthew 7:6) Ginagawa rin namin ito kapag ang isang tao ay nais na sumali sa aming grupo; dapat naming sabihin kung sa palagay namin ay mabuti o masama ang kanilang hangarin. (
John 6:26,
Luke 11:29;
Luke 14:25-26) At dapat magagawa din nating husgahan ang ating sarili, upang malaman kung ginagawa natin ang mga bagay dahil sa mabuti o masamang hangarin. (
1 Corinthians 11:31)
Tinatawag namin itong “pagsubok” sa mga espiritu. Ang parirala ay nagmula sa
1 John 4:1 na nagsasabing, "Huwag maniwala sa bawat espiritu, ngunit subukin mo sila upang malaman kung sila ay mula sa Diyos; sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito." Ang salitang isinalin na "pagsubok" sa talatang iyon ay nangangahulugang "upang subukan" o upang husgahan ang isang bagay. Iyon ay, dapat nating hatulan ang bawat sitwasyon at kilalanin ang ating espiritu at ng iba upang hindi tayo malinlang.
Nasa ibaba ang isang listahan ng mga espiritwal na pagsubok na makakatulong sa iyo na humusga sa tamang paraan. (
John 7:24)
A. Bunga/PagmamahalAng pagsubok na ito ay upang tingnan ang bunga ng sinasabi ng isang tao. (
Matthew 7:20) Kapag may ginawa o sinabi ang isang tao, tanungin ang iyong sarili, "Bakit ito nasabi, at saan ito hahantong?" Anumang espiritu na nagmumula sa Diyos ay magmumula at/o hahantong sa mga diwa tulad ng pag-ibig, kaligayahan, katapatan, at kababaang-loob. (
Galatians 5:22-23)
Kapag sinasabi ng isang tao ang dahilan kung bakit hindi sila sumasang-ayon sa isang tao, maaaring ginagawa nila ito dahil mahal nila ang tao. (
Hebrews 12:6) Ngunit kung hindi sila kumikilos dahil sa pag-ibig, magkakaroon ng galit sa kanilang sinasabi, na may kaunting pagsasaalang-alang kung paano aayusin ang problema. Mas nagiging interesado sila sa pananakit sa ibang tao. Ito ay isang masamang espiritu.
B. Mga Turo Ni HesusIto ay isa pang pagsubok kung saan dapat mong tingnan kung gaano kamahal ng isang tao ang mga aral ni Jesus. (
2 John 9) Maraming tao ang nagsasabi na sila’y mga Kristiyano, ngunit sa palagay nila ay hindi gaanong mahalaga ang mga itinuturo ni Jesus. (
Luke 6:46) Nakikipagtalo sila laban sa pagsunod kay Jesus, sa iba’t ibang dahilan. Ang mga taong ito ay mayroong masamang espiritu.
Mayroong ibang mga tao na HINDI inaangkin na sila’y mga Kristiyano, ngunit nagpapakita sila ng isang tunay na pagkawili sa mga bagay na sinabi ni Jesus. Kung tinanggap ng mga tao ang mga aral ni Jesus, sila ang totoong mga Kristiyano. (
John 1:11-12) Kapag itinuturo namin ang mga bagay na sinabi ni Jesus, alam namin na ang mga taong may mabuting espiritu ay magiging interesado sa aming sinasabi at sinusulat. Kung hindi, ito ay isang magandang dahilan upang isipin na hindi sila interesado sa pagsunod sa Diyos. (
Matthew 10:40)
C. SigasigAng sigasig ay isa pang pagsubok. Ang salita ay nagmula sa dalawang salita sa ibang wika na nangangahulugang "pinuspos ng Diyos".
Kapag ang isang tao ay labis na interesado sa mga bagay na gumagabay sa atin palapit sa Diyos, (tulad ng mga aral ni Jesus, makapagtrabaho para sa Diyos, magmahal sa iba, o matuto ng mga bagong katotohanan) ipinapakita nito na mayroon silang sigasig (o Diyos sa loob nila).
Kung kailangan mong pilitin ang mga tao upang gawin nila ang mga bagay na ito, hindi ito mabuting palatandaan. Wala silang "sigasig". Kung ang isang tao ay masigasig, magninilay-nilay sila sa mga katotohanan na iyong sinabi pagkatapos mong tumigil sa pagsasalita. Nais nilang malaman ang higit pa. Matututo sila ng mga bagong katotohanan mismo sa kanilang sarili.
Minsan hindi nila mauunawaan ang iyong sinasabi, o hindi sila sumasang-ayon sa iyo, at dahil dito, magtatanong sila... hindi para makipagtalo, ngunit upang mas umintindi. At makikinig silang mabuti sa iyong mga sagot.
Kung nagbigay ka ng isang mahusay na sagot sa isa sa kanilang mga katanungan, at pagkatapos ay mabilis nilang binago ang paksa upang makagawa ng isa pang argumento, ito ay isang pahiwatig na ayaw nilang pakinggan ang iyong mga sagot; ang hinahanap lang nila ay isang paraan upang makipagtalo, laban (o lumayo) sa mga turo ni Jesus.
Kung may nagsabing sumasang-ayon sila sa lahat ng sinabi mo, ngunit hindi nagpapakita ng isang pagkawili na magsabi o makinig ng higit pa, malamang na hindi ka nila taos-pusong pinakinggan, at tinanggihan nila ang mga sinabi mo sa kanilang puso.
D. Mga Sinasabi NilaIsa sa mga pinakamadaling paraan upang malaman kung anong espiritu mayroon ang isang tao ay sa pakikinig nang mabuti sa kanilang sinasabi. Malalaman mo ang espiritu sa loob ng isang tao sa kung ano ang sinasabi ng kanilang bibig.(
Matthew 12:34-35)
Ang mga taong walang Espiritu ng Diyos ay susubukan na pag-usapan ang mga bagay na “espiritwal”, ngunit sa huli, hindi nila mapipigilan na pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na “relihiyoso”. Ang tunay na katotohanan ay nagbabago sa mga tao, at ang mga taong ito ay ayaw na magbago. Upang magtago mula sa tunay na katotohanan, pag-uusapan nila ang mga bagay tulad ng langit, impiyerno, mga patakaran tungkol sa Diyos, mga simbahan, ang pangalan ni Jesus (o Diyos), at iba pang mga aral na hindi magbabago sa kanilang buhay (
Matthew 22:23-28). Itatanong nila ang tungkol sa mga bagay tulad ng pangalan ng aming grupo, at kung sino ang aming mga pinuno, ngunit hindi tungkol sa aming pagkawili na sundin si Jesus at ang kanyang mga turo. Ang mga taong relihiyoso ay halos hindi espiritwal.
Huwag makipag-usap sa mga taong nais lamang makipagtalo. (
2 Timothy 2:14,
Matthew 16:6) Ang mga tao ay maaaring makipag-usap tungkol sa kung paanong iba ang kanilang pagkakaintindi sa mga salita, ngunit kapag ito ay naging isang pagtatalo, at kung nangyayari ito sa tuwing sinusubukan mong pag-usapan ang mga aral ni Jesus, ito ang kanilang paraan ng pagsasabi na ayaw nilang sundin ang mga itinuro ni Jesus. Ang pakikipagtalo sa mga tao ito ay hindi magpapabago sa kanila, sapagkat hindi sila interesadong magbago at sumunod kay Jesus.
E. Pakikipag-usap nang LihimAng mga taong walang espiritu ng Diyos ay hindi matapat. Iba't ibang bagay ang sinasabi nila sa iba't ibang tao. Ayaw nilang marinig ng maraming tao ang kanilang mga sinabi. Gusto nilang makipag-usap nang pribado. Ito ay dahil nais nilang sabihin sa iyo ang mga kasinungalingan tungkol sa mga taong wala roon, at dahil dito malaya rin silang magsabi ng kasinungalingan tungkol sa iyong sinabi kung wala ka.
Kung may nagsasabi ng totoo, gugustuhin nilang mapakinggan ng iba ang kanilang mga sinasabi. (
John 3:20-21) Huwag makipag-usap sa mga taong nais makipag-usap sa iyo ng lihim. (
Luke 12:1-3)
F. PeraAng huling paraan ay tingnan kung paano kumilos at magsalita ang isang tao tungkol sa pera. Sinasabi ng Bibliya na sasabihin nito sa atin kung saan naroroon ang kanilang puso. (
Matthew 6:21-23) Kapag nawalan sila ng interes na magtrabaho para sa Diyos kung hindi ito magdadala ng kita sa kanila, at kung mabilis silang nagbibigay ng mga argumento laban sa pagbibigay ng pera sa iba, o kung nagiging masigasig lamang sila sa isang bagay kung makakatanggap sila ng pera sa paggawa nito, ito ay isang mahusay na palatandaan na wala silang espiritu ng Diyos.